Mensahe ng isang ama na mahirap mawalan ng trabaho ngunit mas mahirap mawalan ng mahal sa buhay, viral ngayon sa social media!



Bilang mga magulang, nais nating maging mabuti ang buhay ng ating mga anak at magkaroon sila ng magandang kinabukasan. Hindi natin nais kailanman na mayroong hindi magandang mangyayari sa kanila, o di kaya naman ay mapariwara sila sa buhay.


Kamakailan lamang ay nabahala ang marami dahil sa paglaganap ng nakakahawang sakit na COVID-19 sa maraming mga bansa sa buong mundo. Dahil na rin dito ay ipinanukala na ng pamahalaan na magkaroon ng enhanced community quarantine sa maraming mga lugar sa bansa.



Alinsunod sa mga ito ang pagsasarado pansamantala ng ilang mga negosyo at establisyemento kung kaya naman marami rin ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho. Marami sa kanila ang labis na nagalit sa pamahalaan dahil sa nawalan sila ng pagkakataong kumita ng pera pangsuporta para sa kanilang pamilya.

Naging maugong na usap-usapan ito sa social media at talaga namang hindi naging maganda ang epekto para sa maraming mga Pilipino. Sa kabila ng mga pasaway at matitigas na ulo ng iilan ay mayroon pa ring mga taong nagnanais na makatulong at matapos na ang lahat ng ating pagsasakripisyo.


Kung kaya naman hinangaan at sinang-ayunan ng marami ang ama na ito na nakilala sa pangalang Robert. Nagbigay siya ng mensahe sa kapwa niya mga magulang na nag-aalala din sa kanilang kabuhayan.

Ayon sa kaniya ay mahirap talagang mawalan ng trabaho ng apat na linggo, ngunit mas mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay dahil sa sakit na kumakalat sa ngayon. Maraming mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga komento at reaksyon patungkol sa naturang viral post.


Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“Tama ka. Kung yung iba naiintindihan ang halaga ng buhay, hindi sila sasaway sa mga batas ng gobyerno, matuto tayong sumunod para sa kaligtasan ng bawat isa. God bless.” Komento ng isang netizen.



“Mas mahirap ang wala ring pagkain dahil mawawala rin ang buhay kung wala nang makakain, pare–parehas lang din ‘yan. Huwag din ninyong husgahan yung mga lumalabas at dumidiskarte para makakain ang pamilya nila,” Pahayag naman ng isa.

“Mas maganda magtiis nang kaunting panahon kaysa tumagal pa nang husto ang crisis na ito. Kailangan pong sumunod sa ECQ kasi 2 weeks ang incubation period ng v!rus, so dapat talaga sumunod po tayo.” Komento din ng isa pang netizen.