Sobrang bored kasi! Asul na kwek-kwek ng netizen na ito kinagiliwan ng publiko!



Ilang mga linggo na rin ang nakakalipas mula nang sumailalim ang maraming mga siyudad sa bansa sa “enhanced community quarantine”. Ito ay dahil sa paglaganap at lalo pang pagkalat ng nakakahawang karamdaman na COVID-19 na nagmula sa Wuhan, China.



Upang mas maprotektahan ang maraming mga Pilipino sa naturang sakit na kumitil na ng maraming mga buhay ay mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng mga tao sa kanilang tahanan lalo na kung wala rin silang importanteng gagawin pa. At dahil sa mahabang oras at panahon na ang ating ginugugol sa loob ng ating tahanan ay talaga namang hindi maiiwasan na makaramdam tayo ng pagkabagot o pagkainip.

Marami sa atin ang nagpapalipas ng mga oras sa paglilinis ng kanilang mga tahanan, o sa paggawa ng mga gawaing bahay tulad na lamang halimbawa ng paglalaba, pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa bahay. Mayroon din namang ilang mga Pilipino na sinusulit ang kanilang oras kasama ang kanilang mga anak kung kaya naman madalas ay tinuturuan nila ang mga ito ng mga aralin o di kaya naman ay naglalaro sila.


Marami din naman sa atin ang naiingganyang magluto o mag-imbento ng iba’t-ibang mga putahe o di kaya naman ay mga inumin. Kamakailan lamang ay labis na kinatuwa ng publiko ang asul na bersyon ng Filipino street food na “Kwek-kwek” na gawa ng isang netizen.


Ang naturang netizen ay walang iba kung hindi si Casey Martinez. Ibinahagi niya sa social meadia ang paraan ng kaniyang pagluluto ng paborito nating “Kwek-kwek”.

Ito ang naging caption niya sa kaniyang viral post: “BORED KA BA? Tara ibahin natin ang kulay ng kwek-kwek.” Ang naturang post ay mayroon nang higit sa 20,000 na mga reaksyon, higit sa 16,000 na mga komento at higit sa 40,000 na mga shares.



Talaga namang hindi pinalampas ng maraming mga netizens na mamangha sa ginawang pakulo na ito ni Casey. Paano mo ginugugol ang iyong oras kapag bored na bored ka na?