Tanim na gulay ng mga sikat na celebrities, napakalaking tulong sa panahon ng ECQ!



Sa mga sandaling ito na marami na sa mga lugar sa ating bansa ang nasa ilalim ng enhanced community quarantine dahil sa paglaganap ng COVID-19 sa ating bansa ay talaga namang naging napakalaking tulong ng mga pananim na gulay sa ating mga likod bahay. Tulad na lamang ng mga sariwang ani ng mga sikat na celebrities na ito na hindi na kailangan pang lumabas ng kanilang mga tahanan at mamili ng mga gulay at prutas sa pamilihan dahil mayroon na mismo sa kanilang mga tahanan. Ito ang ilan sa mga celebrities na mayroong sarili nilang mga taniman ng gulay sa kanila mismong mga tahanan:

MYLENE DIZON




Ang sikat na aktres at kontrabidang ito ay mayroong mga sariwa at organic na mga pananim sa kaniyang bakuran. Ilan sa mga ito ay labanos, carrots, sugar beet, fennel at marami pang iba. Abril 2019 nang ibahagi ito ni Mylene sa kaniyang Instagram account.


Tunay nga na totoo ang mga katagang kaniyang ipinahayag sa isa sa kaniyang mga interview, “Kahit anong mangyari, meron kang madudukot na pagkain.” Food security kung kaniyang ilarawan ang kaniyang bakuran/mini garden sa kaniyang tahanan na matatagpuan sa Silang, Cavite.

TEAM KRAMER



Mayroon ding “vegetable garden” ang Team Kramer sa kanilang bakuran. Ayon din sa sikat na ilaw ng tahanan ng pamilya Kramer, marami sa kanilang mga pananim ang hindi naman kumukonsumo ng malaking espasyo dahil sa maaari din naman itong itanim sa mga paso o iba pang mga lalagyan. Ilan sa kanilang mga sariwang pananim ay onion leaks, luya, turmeric, kamatis, sitaw, bell pepper, siling panigang o pangsigang, malunggay, munggo, sigarilyas, talong at patola.

NERI NAIG-MIRANDA




Ipinagmamalaki din naman ni Neri Naig ang kaniyang hardin sa kanilang tahanan sa Alfonso, Cavite. Matapos ipanukala ang ECQ ay nagbahagi pa siya sa social media na buti na lamang at hindi sila gala ng kaniyang ina dahil sa madalas ay nasa bahay lamang sila o di kaya naman ay sa kanilang hardin. Ilan sa kaniyang mga sariwang pananim ay kamote, lettuce, petsay, repolto at strawberries.

MARJORIE BARRETTO


Mayroon namang pananim na okra, papaya, kamias, rambutan, guyabano at mangga ang sikat na aktres at dating pulitiko na si Marjorie Barretto sa kaniyang tahanan sa Bulacan.

LIZ UY




Ang 38 taong gulang naman na celebrity stylist at socialite ay kasamang nagtatanim ang kaniyang anak na si Xavi dahil sa mas nais niya ang masusustansiyang pagkain para sa kaniyang pamilya. Pebrero 2020 lamang ng simulan nila ang kanilang mini garden project.

ZSA ZSA PADILLA


Ang Esperanza farm naman ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na ipinangalan mismo sa kaniyang tunay na pangalan ay matatagpuan sa Lucban, Quezon. Ilan sa kaniyang mga pananim ay “kale”, labanos, Chinese Kailan at marami pang iba.

COCO MARTIN


Hindi rin naman papahuli ang “Ang Probinsiyano” star na si Coco Martin sa mga sariwang pananim sa kaniyang sariling bakuran. Ilan sa mga ito ay amplaya, pechay, talong, kamatis, at halos lahat ng mga gulay at uri ng prutas na matatagpuan sa kantang “Bahay Kubo”.

Tunay nga na sa mga panahon ng pangangailangan ay mainam pa rin na mayroon tayong kakayanan upang makapagtanim ng mga prutas at gulay sa atin mismong mga tahanan. Hindi lamang tayo nakatitipid sa ganitong pamamaraan kundi mas nakakasiguro pa tayo na sariwa, masustansiya at ligtas ang mga pagkain na ihahain natin sa ating mga mahal sa buhay. Napakagandang inspirasyon para sa maraming mga Pilipino ang pagtatanim ng mga halaman, prutas at gulay. Kung kaya naman kapag nagkaroon tayo ng pagkakataon o ng oportunidad na makapagtanim sa ating mga bakuran ay huwag na tayong magdalawang isip pa at talaga namang paglaanan natin ng oras at panahon ang ganitong gawain dahil kalaunan ay tayo rin naman ang makikinabang sa mga ito.




error: Content is protected !!