Graduation ceremony sa Japan, hinangaan at kinabiliban ng maraming mga netizens!



Ikinabigla ng maraming mga tao sa buong mundo ang mabilis na paglaganap nang nakakahawang sakit na COVID-19. Marami nang mga naapektuhan, nahawa at nasawi nang dahil sa naturang karamdaman.


Mayroon din namang iilan na nakarecover mula sa sakit na ito. Sa ngayon ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng mga eksperto ang kumakalat na sakit na ito. Dahil dito ay kinailangan nang sumailalim sa lockdown ng maraming mga lugar sa Pilipinas at maging sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Ito ay upang hindi na tuluyan pang lumaganap ang sakit na COVID-19.




Dahil rin sa lockdown na ito ay maraming mga negosyo, establisyemento at maging mga paaralan na pangsamantala nang nagsara dahil sa krisis na ito. Ilang mga paaralan at unibersidad na rin ang agad na nagkansela ng kanilang mga klase sa buong bansa.


Maging ang mga graduation at moving up ceremony ay hindi na rin pinayagan pang maidaos. Ito ay upang protektahan ang publiko at upang mabawasan na ng tuluyan ang mga taong nahahawa ng COVID-19.


Ngunit kamakailan lamang ay namangha ang maraming mga netizens dahil hindi nagpatinag ang bansang Japan dahil sa tuloy pa rin ang graduation ng isang paaralan na ito sa gitna ng banta ng COVID-19 sa kanilang bayan. Naging posible ito dahil sa teknolohiya, nagawa ng BBT University sa Japan ang kanilang graduation ceremony na “dinaluhan” ng mga estudyante nito mula sa kanila mismong mga tahanan.


Sa halip kasi na magtungo sa venue ang mga mag-aaral at ang mga magulang nito ay mga robot ang dumalo sa naturang pagdiriwang kung saan ang mga ulo ng robot ay mismong mga estudyante nilang nasa tablet computer na mayroong real-time video. “Zoom” ang kanilang gamit na isang teknolohiya na video conferencing tool.



“Newme” ang tawag sa mga mobile robot na ito na maaaring makatanggap ng Zoom call. Ang naturang graduation ceremony ay ginanap sa Hotel Grand Palace sa Tokyo.




error: Content is protected !!