Isang national park sa Tsina punong-puno ng mga turista matapos ang lockdown!



Marami sa ating mga Pilipino ang nagnanais nang matapos ang “enhanced community quarantine” na ipinapanukala ng ating pamahalaan. Ngunit kahit pa nais na nating matapos ang krisis na ating kinakaharap sa ngayon at sadyang magiging napakahirap nito para sa bawat isa dahil sa maaaring wala pa sa “peak” ang krisis ng ating bansa sa ngayon.



Buti na lamang ay napagdesisyunan pa ng ating pamahalaan na dugtungan o pahabain pa an gating ECQ. Ito ay hindi upang mas lalo pang mahirapan ang mga pamilyang Pilipino na hikahos din sa buhay ngunit upang mas masiguro pa ang kaligtasan ng nakararami laban sa sakit na COVID-19.

Maraming mga Pilipino ang buong pusong sumusunod sa panukala at mga paalala ng mga otoridad ngunit mayroon pa rin namang iilan na ayaw magpaawat at talaga namang ipinipilit ang nais nilang mangyari kahit pa mas maaaring malagay sa panganib ang mga tao sa kanilang paligid o mas lalo’t higit ang kanilang mga mahal sa buhay. Kamakailan lamang ay natapos na ang lockdown sa Tsina.


At talaga namang ikinagalak ito ng maraming mga mamamayan doon. Nakakalungkot nga lamang isipin na tila hindi nila alintana ang posibilidad na mas dumami pa ang kaso ng mga taong apektado ng naturang sakit kahit pa nga hindi na ganoon kadami ang mga positibong kaso sa kanila.


Libo-libong bilang ng mga tao ang talaga namang dumagsa sa ilang mga kilalang pasyalan makalipas lamang ang ilang mga buwan ng pagbabawal na bumiyahe at mahigpit na lockdown sa maraming mga lugar sa kanilang bansa. Sa katunayan ay mayroon pa ngang “free entrance policy” sa Huangshan Mountain Park sa Anhui.


Kamakailan lamang ay naging laman at usap-usapan ito ng maraming mga netizens sa iba’t-ibang social media platform. Isa sa mga national parks na ito ay napabalita na ring umabot sa 20,000 na maximum capacity na bilang ng mga indibidwal na maaaring makapasok dito sa loob ng isang araw. Marami sa mga netizens ang talaga namang nag-alala dahil sa posibleng pagkakahawaan muli ng nakakatakot na sakit na COVID-19.

Marami ang kumuwestiyon na sana ay hindi na nagkaroon pa ng “free entrance policy” kung saan mas nahikayat pa ang mga taong umalis sa kanilang mga tahanan kaysa unahin ang seguridad at kaligtasan ng mas nakararami.



Source: South China Morning Post, CNN, 9GAG,




error: Content is protected !!