Marian Rivera nagluto ng kanilang family specialty na “Menudo ni Nanay Ingkang” para sa mga frontliners ng COVID-19!



Hinangaan ng publiko kamakailan lamang ang ginawa ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa mga healthcare frontliners ng Quezon City General Hospital. Ibinahagi ito ng Kapuso Primetime Queen sa kaniyang Instagram account noong Miyerkules, Abril 1.



Ang iniluto ni Marian ay ang family specialty nila na “menudo ni Nanay Ingkang.” Ang kumuha ng naturang video ay ang kaniyang mister na si Dingdong na tumulong rin sa pag-aayos ng mga pagkain. Narito ang naging caption ni Marian sa kaniyang post:

“Kitchen duties for our dear frontliners at the Quezon City General Hospital today who are sacrificing so much for us. Tonight’s meal for them is our family’s specialty- Menudo – a recipe that’s been passed on by my nanay.”


Maging ang mister niyang si Dingdong ay nagbahagi din ng video sa kaniyang Instagram account na nagsasabing:
“Ang paborito naming Menudo ni Nanay Ingkang- aming munting handog sa mga Frontliners natin sa Quezon City General Hospital ngayong gabi.”
“Maraming salamat sa inyong dedikasyon para sa kaligtasan naming lahat. Panalangin namin ang inyong kalakasan habang kinakaharap at tinatalo natin ang krisis na ito. Salamat @evan.aranas sa mahusay na pag-edit ng mga veejow ko at salamat kay @viennueva sa pahabol na saging na kumumpleto sa matinding kombo. @marianrivera (swipe to view dameyking) @andrewsfundph @Yespinoy”. Dagdag pa ng aktor.


Noon pa man ay kilala na ang mag-asawa bilang matulungin at mapagmahal na mga personalidad. Kung kaya naman mas marami pa ang humanga sa kanila dahil sa kanilang pagtulong sa mga taong ito sa kabila ng patuloy na pagkalat ng nakakahawang sakit na COVID-19 sa bansa.



Sinusuportahan din naman ng Primetime King and Queen ang Andrew’s Fund na isang fundraising project na pinangungunahan ng Caritas Manila katuwang ang “Yes Pinoy! Foundation” na naglalayong matulungan ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino at mga frontliners sa ngayon at magbigay ng oportunidad na makapagtrabaho ang ilang mga kabataang Pilipino.




error: Content is protected !!