Millennial Mayors na hinangaan ng publiko dahil sa nakakamangha at mabilisang pagtugon sa COVID-19 pandemic, kilalanin!



Mula nang pumutok ang nakakahawang sakit na COVID-19 ay marami nang mga ulat na kumakalat patungkol sa mga Millenial Mayors na kabilib-bilib ang mga nagawang aksyon at hakbang para sa kanilang mga kababayan mula nang ipanukal ng Pangulo ang enhanced community quarantine. Narito ang ilan sa kanila:

MAYOR VICO SOTTO




Si Mayor Vico Sotto ang pinakamainit na paksa ngayon sa social media. Ilang mga linggo na ang nakakalipas ngunit tila mas dumarami pa ang mga taong bumibilib at namamangha sa kaniya hanggang sa ngayon.

Ayon sa ilang mga ulat, bago pa man ang ipinatupad na enhanced community quarantine sa ating bansa ay regular na ang ginagawang disinfection ng lokal na pamahalaan ng Pasig City sa mga nasasakupan nilang paaralan at gayundin naman ang pagpapamigay nila ng mga disinfecting kits sa mga barangay. Bukod pa rito ay bumili rin si Mayor Vico ng disinfection drone upang mas makatulong pa upang hindi na lumubo pa ang bilang ng mga taong nahahawa ng naturang sakit.


Nakapagpamahagi na rin siya ng 400,000 na mga food packs na mayroong bigas, at mga de latang pagkain para sa mga pamilyang apektado ng ECQ. Mayroon na ring ibinigay na ayuda ang pamahalaan na P55 milyong halaga ng financial assistance program para sa mga apektadong driver dahil sa krisis at siya rin ang nagpasimula ng ideya ng mobile palengke para sa ilang mga barangay na malayo sa mga pamilihan.

MAYOR BRYAN CELESTE


Ang alkalde ng Alaminos City, Pangasinan ay 23 taong gulang pa lamang ngunit nang biglang pumutok ang krisis ng COVID-19 sa bansa ay 25,000 mga pamilya kaagad na kaniyang nasasakupan ang kaniyang agad na natulungan. Personal din siyang tumulong sa pagrerepack ng mga pagkaing ito at maging sa pamamahagi ng mga ito.



Upang tulungan ang mga magsasaka, lokal na pamahalaan na mismo ang bumili ng kanilang mga pananim. Nasa sampung tonelada ng prutas at 730 kilo ng mga gulay ang kanilang nabili sa mga magsasaka na ito.

MAYOR DONYA TESORO


Siya ay tinaguriang “Pretty Mayor of San Manuel” ng maraming mga netizens. Bukod pa rito ay nirereto din ang magandang alkalde sa Mayor ng Pasig City na si Mayor Vico Sotto.



Tulad ng huli ay pinahayag din naman ng 28-anyos na alkalde na masyado pa siyang abala upang magkaroon ng oras at panahon sa pag-ibig. Maraming mga Pilipino ang nagsasabing bagay silang dalawa dahil bukod sa maganda at gwapo ay napakahusay din nilang mga alkalde ng kanilang lungsod.




error: Content is protected !!