Nakakaantig na larawan ng isang ama na nakakuha ng isang face mask, maingat itong inilagay sa mukha ng bata!



Dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga taong nahahawa at nagkakasakit ng COVID-19 ay mas marami na ring mga tao ang binibigyang importansiya ang kanilang kalusugan, maayos at epektibong paghuhugas ng kanilang mga kamay at ang maayos na pagsusuot ng mga face mask. Dahil sa lahat tayo ay dapat magsuot ng face mask sa tuwing lalabas ng ating mga tahanan ay nagkaroon na tayo ng kakulangan sa supply ng mga face mask sa buong mundo.


Dahil na rin sa mataas na demand at kulang na supply ng mga ito ay ibinebenta na ito ng mas mahal kaysa sa dati nitong halaga kung kaya naman marami rin sa ating mga mahihirap na kababayan ang hindi na nagagawa pang makabili ng mga ito dahil mas nanaisin pa nilang bumili ng makakain kaysa sa bumili ng kanilang mga face mask. Maaaring hindi lahat tayo ay hirap sa buhay sa ngayon ngunit mayroon talagang mga Pilipino ang hirap sa kanilang estado sa buhay.




Tulad na lamang ng isang ama na ito mula sa Maynila. Ang tanging ikinabubuhay lamang ng ama na ito ay pangongolekta ng mga papel o kariton sa lansangan.

Sa kabila ng banta ng sakit na COVID-19 ay hindi ito alintana ng ama dahil mas nag-aalala siya sa kaligtasan ng kaniyang musmos pang anak. Kung kaya naman sa halip na siya ang gumamit ng face mask ay ibinigay na lamang niya ito sa kaniyang anak.


Maingat at dahan dahan pa niyang inayos ito sa mukha ng kaniyang anak. Ang nakakamanghang larawan na ito ay mula sa Twitter User na si @ceegreen14.

Talaga namang nahabag siya at naantig sa kalagayan ng mag-ama kung kaya naman humihingi siya ng simpatya mula sa gobyerno na sana ay mas pagtuunan ng pansin ang mga tulad nilang mas hirap sa buhay lalo na sa panahon ngayon ng krisis.





error: Content is protected !!