Nakakamanghang tanawin ng Himalayan Mountain Range sa India dahil sa COVID-19 lockdown, viral sa social media!



Ang ipinapatupad na COVID-19 lockdown sa India ay talaga namang nakakaapekto sa napakaraming mga tao sa bansa. Marami sa kanila ang nasa loob lamang ng kanilang mga tahanan at walang magawa kahit pa wala silang makain dahil na rin sa hindi sila nakapaghandang mabuti nang ipatupad ang naturang lockdown dahil sa kakulangan sa pera.



Ang lockdown na ito sa India ay labis na nakaapekto sa pinakamahirap na sector ng kanilang lipunan. Marami sa mga mahihirap na pamilyang ito ang walang pagkain at wala talagang makain. Ngunit sa kabila ng paghinto ng pang-araw-araw na buhay ng maraming mga tao sa India, mayroon pa rin namang magandang naging epekto ang lockdown sa higit sa 1.3 bilyong katao sa bansa.


Ayon sa ilang mga ulat, matagal nang problema ng India ang labis na polusyon sa kanilang bayan at dahil na rin sa paglaganap ng COVID-19 at kinailangang manatili lamang sa loob ng kanilang mga tahanan ang mga mamamayan ay mas naging malinis ang hangin at ang kapaligiran dahil sa halos wala nang mga polusyon ng sasakyan, pabrika o mga establisyemento ang dumaragdag sa polusyong matagal na nilang pinoproblema.

Sa katunayan ay marami sa kanila ang hindi na napigilan pang kuhanan ng larawan ang mga nakakamanghang tanawin na ito na dati rati ay hindi nila halos maaninag dahil sa labis na polusyon ngunit sa ngayon ay talaga namang bibilib ka sa napakaganda at napakaaliwalas na kapaligiran. Ilan sa mga nakakamanghang tanawin na ito ay ang Himalayan mountain range na halos 200km ang layo.


Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay muli nang nasilayan ng mga tao ang tanawing ito. Isa lamang ito sa napakagandang mga tanawin sa ating kapaligiran na hindi natin nabibigyang-pansin dahil sa sobrang kaabalahan natin sa buhay at dahil na rin sa naging modernisasyon sa ating lipunan mula noon hanggang sa ngayon.






error: Content is protected !!