Girlfriend ni Ejay Falcon napukaw ang atensyon ng publiko dahil sa simple ngunit napakanatural nitong kagandahan!



Bilang mga tagahanga ng mga iniidolo nating mga artista, wala tayong ibang nais para sa kanila kundi ang kanilang tagumpay sa kanilang karera at ang tunay na kaligayahan sa kanilang buhay pag-ibig. Kahit pa nga mga sikat silang personalidad ay talaga namang marami pa din sa kanila ang nagnanais na magkaroon ng “privacy” sa kanilang mga buhay.



Isa na marahil sa kanila ang mahusay na aktor na si Ejay Falcon. Siya ay isang 30 taong gulang na Filipino-French model at aktor na nagwagi sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus ng Kapamilya network.

Labis siyang hinangaan ng publiko hindi lamang dahil sa kaniyang pisikal na anyo o pangangatawan kundi dahil na rin sa pagiging mahusay niyang aktor. Kamakailan lamang ay naging laman siya ng usapan sa social media dahil sa napansin ng maraming mga netizens ang makulay na buhay pag-ibig nito.


Napukaw ang atensyon ng publiko sa kaniyang napakagandang nobya na si Jana Roxas. Isa rin siyang aktres na sumali noon at nakilala sa Starstruck. Ibinahagi ng aktor sa publiko ang naging unang pagtatagpo ng dalawa.


Ayon kay Ejay ay nagkakilala sila sa Pansol, Laguna. Inimbitahan ang aktor sa naturang party na sa bahay mismo ni Jana ginanap. Kinilig naman ang kanilang mga tagahanga nang aminin ni Ejay na pakiramdam niya talaga ay si Jana na ang kaniyang “Soulmate” sa kaniyang panayam noon sa batikang host na si Boy Abunda. Maging ang mga larawan nang magkasintahan noong ika-27 kaarawan ni Ejay ay kinagiliwan ng publiko.



Para sa aktor, naging napakagandang biyaya sa kaniyang buhay ng kaniyang nobya. Hindi man batid ng publiko kung kailan talaga nagsimula ang matamis nilang pagtitinginan ay marami ang naniniwalang halos nasa tatlong taon na rin ang kanilang relasyon.

Bagamat ibinunyag ng aktor na napag-uusapan na rin nila ang paglagay sa tahimik ngunit mas nais na muna nilang magpokus sa kanilang mga karera at ayaw din nilang magmadali o ma-pressure sa kanilang mga gagawing desisyon sa buhay.






error: Content is protected !!