Isang lalaki na nakuhanan ng larawan na walang ulo, nagdulot ng takot at kilabot sa maraming netizens!



Misteryo o kababalaghan, marahil ay marami sa atin sa panahon ngayon ang tila hindi na naniniwala pa sa mga ito. Marahil ay dahil sa moderno na ang sistema ng ating lipunan sa ngayon kung kaya naman marami na rin sa ating mga Pilipino ang hindi na naniniwala pa sa mga pamahiin o mga pangitain.


Ngunit sa kabila ng katotohanang ito ay mayroon pa rin kahit papaanong iilan sa atin ang hanggang sa mga panahong ito ay ginagawa pa rin at pinaniniwalaan ang ilan sa mga pamahiin na ito. Kamakailan nga lamang ay nagimbal ang publiko dahil sa naging viral na larawan ng isang lalaki na ito.




Mula sa larawan na ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Francis Bayran Buenaflor ay makikita mo talagang tila walang ulo ang isa sa mga lalaki na nakuhanan ng larawan. Nilinaw naman kaagad ng netizen na hindi mismo sa kaniyang nanggaling ang naturang larawan kung hindi nakita lamang niya ito sa Facebook na nagdulot din sa kaniya ng pagkabagabag.

Ayon sa netizen ay nais lamang din niyang masabihan ang naturang lalaki upang hindi na matuloy pa ang ipinapahiwatig ng pangyayari na ito. Maraming mga netizens ang talaga namang nagkomento at nagpahayag ng kanilang mga reaksyon patungkol sa pamahiin na ito.



Marapat daw na masabihan kaagad ang lalaki na nasa larawan upang maibaon na o masunog na nito ang kaniyang mga naisuot sa larawan kung saan siya nakuhanan ng walang ulo. Ang mga pamahiin na ito o superstitions sa wikang Ingles ay mga paniniwala ng mga matatanda na kadalasan ay walang mga batayan at konkretong paliwanag ngunit marami sa ating mga Pilipino ang sumusunod na lamang sa mga pamahiin na ito dahil sa wala rin namang mawawala sa kanila at dahil rin sa labis nilang pagrespeto sa mga nakakatanda sa kanila.

Ikaw, hanggang sa ngayon ba ay ginagawa mo pa rin ang mga pamahiin na ito?





error: Content is protected !!