Isang mabait na landlady na hindi na muna naniningil ng kanilang paupahang apartment, umani ng maraming positibong komento at paghanga mula sa publiko!



Dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa maraming mga lugar sa ating bansa ay napakarami ding mga pamilya at mamamayang Pilipino ang labis na naapektuhan ng naturang lockdown. Sa kasalukuyan ay hindi pa rin maaaring lumabas ng kanilang mga tahanan ang maraming mga Pilipino upang maghanap-buhay.



Limitado lamang ang oras at araw na maaaring makapamili ng mga pagkain at mga gamot sa ngayon. Marami na ring mga negosyo at establiyemento ang kinailangan nang magsara pangsamantala upang hindi na maging dahilan pa nang paglabas ng mga tao mula sa kanilang tahanan kung saan dapat sila ay naka-quarantine.

Ilang araw na at ilang linggo na rin ang nakalilipas at talaga namang marami nang mga mahihirap na pamilyang Pilipino ang nakakaramdam sa hirap at sakripisyo nating lahat. Buti na lamang at kahit papaano ay mayroon pa ring naibibigay na tulong ang ating gobyerno at maging ang ating lokal na pamahalaan.


Maging ang mga sikat na artista at kilalang personalidad ay nagpapaabot na rin ng tulong sa mga nangangailangan. Higit pa rito maging ang mga simple at ordinaryong mamamayan ay mayroon ding tulong na ibinabahagi sa kanilang kapwa kahit pa nga maliit lamang ang tulong na ito, kapag ito ay pinagsama-sama ay napakalaking bagay pa rin.


Tulad na lamang halimbawa ng isang landlady na ito na nakilala sa pangalan niyang Maine Chu sa kaniyang Facebook account. Ayon kay Maine ay napakahirap ng ating kalagayan sa ngayon.


Sobrang hirap din para sa kanilang posisyon na singilin pa ng renta ang kanilang mga pinaupang pamilya sa kanilang tatlong pintuan na apartment dahil sa lahat naman tayo ay apektado ng krisis. Kung kaya naman kahit mahirap din para sa kanila ay napagdesiyunan nilang mag-asawa na hindi na muna singilin ang mga pamilyang umuupa sa kanila.

Ang naturang upa ay nagkakahalaga ng P19,500 sa loob ng isang buwan bawat isang pintuan ng kanilang apartment. Mula Marso 14 hanggang Abril 15 ang kanilang ginawang tulong sa kanilang mga taga-upa.



Dalangin din ni Maine na sana ay maging inspirasyon ito para sa marami pang mga nagpapa-upa na huwag na munang maningil sa mga panahong ito bagkus ay buksan ang kanilang puso upang matulungan ang kanilang kapwa.




error: Content is protected !!