Ivana Alawi ipinakilala ang diumano ay nobyo nito na labis na ikinagalit ng kaniyang ina!



Kamakailan lamang ay kinatuwa ng maraming mga netizens ang bagong vlog ni Ivana Alawi kung saan nagpakilala siya ng kaniyang nobyo sa kaniyang ina. Ito ang “revenge prank” ni Ivana para sa kaniyang pamilya na halos mapaiyak siya dahil sa ginawa nilang prank kamakailan lamang sa aktres.



Tuwang-tuwa naman ang mga netizens nang makita kung gaano kainis at kung paano nagalit ang kaniyang ina dahil sa pagpapakilala ni Ivana sa diumano ay nobyo ng dalaga. Ang kasabwat ni Ivana para sa kaniyang “boyfriend prank” para sa kaniyang ina ay walang iba kundi ang hottest internet sensation ngayon na si DJ Loonyo.


Kasabwat niya sa prank na ito ang kaniyang kapatid na si Mona Louise Rey. Sa umpisa ng video ay makikita na pinapahalata talaga ni Ivana na mayroon siyang lalaking kausap sa kaniyang cellphone kung saan pinag-uusapan nila ang kanilang monthsary.


Ikinabigla naman ito ng ina ni Ivana at agad na kinausap nito si DJ Loonyo. Seryoso ang ina ng aktres at talaga namang makikita mo ang sinseridad sa mga mata nito bilang isang ina na nais protektahan ang kaniyang anak.
Maraming mga natuwa sa naging reaksyon ng ina ni Ivana kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na umani ito ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko. Maraming sa mga tagahanga at tagasubaybay ni Ivana ang tila naiinis at nanghihinayang gayundin naman ang mga tagasuporta ni DJ Loonyo dahil sa talaga namang bagay ang dalawa.



Nagbiro pa ang ina ni Ivana na sa ginagawa nilang prank ay maaaring sila pa ang magkatuluyan sa huli. Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam ang magkaroon ng isang magulang na mapagmahal na walang ibang nais kundi ang ikabubuti ng kanilang mga anak.

Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong makasama pa ang ating mga mahal na magulang kung kaya naman dapat natin itong ipagpasalamat sa araw-araw.




error: Content is protected !!