Julia Montes at Coco Martin totoong mayroon nang anak at nagsasama na sa iisang bahay ayon sa ilang mga netizens!



Si Mara Hautea Schnittka ay mas hinangaan ng publiko sa kaniyang screen name na Julia Montes. Siya ay 25 taong gulang na aktres at modelo. Labis na hinangaan si Julia ng maraming mga Pilipino dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa kaniyang mga karakter sa mga pelikula at programa sa telebisyon. Sa murang edad na pagsisimula niya sa industriya ng show business ay hindi na maipagkakaila na isa siya sa pinakamahusay na aktres ng kaniyang henerasyon.



Higit isang taon din nawala sa harap ng kamera ang aktres matapos ang huli niyang proyekto sa Kapamilya network na “Asintado”. Ayon sa ilang mga ulat ay nagtungo ito sa kaniyang ama sa Germany kung saan siya namalagi at tumira roon upang makasama ang kaniyang ama at mga kamag-anak.


Ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin mawala sa isipan ng maraming mga Pilipino na marahil ay kaya ito nawala noon at umalis sa bansa ay upang isilang ang kaniyang panganay na anak sa aktor at direktor na si Coco Martin. Bagamat walang anumang komento ang ipinapahayag ng dalawang panig ay hindi pa rin mawala ang usap-usapang ito patungkol sa dalawa.


Sa ngayon ay usap-usapan sa social media ang diumano ay pagsasama nina Julia at Coco sa iisang bubong. Nagsasama na diumano ang dalawa kasama ang kanilang anak.


Hindi nakaligtas sa mata ng kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang ilang mga larawan at video kung saan tila mga ebidensiyang totoo ang mga usap-usapan sa tunay nilang estado. Isa na sa mga ito ang video ng aktres na si Julia habang nagmemensahe para sa Kapamilya Online Concert.



Napansin ng maraming mga netizens na kamukhang-kamukha ng kaniyang naging background ang lugar kung saan nakuhanan sina Kris Aquino at Coco Martin nang magpaunlak ng house tour ang huli. Mayroon ding nakapansin sa diumano ay “couple shirt” nina Julia at Coco na talaga namang magkaparehas.

Mayroon ding larawan ang aktres kung saan mapapansin sa logo ng kaniyang payong ang logo ng isa sa mga lugar kung saan nakuhanan ng larawan ang Kapamilya actor.




error: Content is protected !!