Little Yorme, hinangaan ng publiko dahil sa pagtulong nito sa pamimigay ng mga relief goods para sa mga nangangailangan ngayong krisis!
Marami ay marami sa atin ang hindi nakakakilala sa “Little Yorme” ng Bagac, Bataan. Siya ay walang iba kundi si Aaron Sunga. Talaga namang kinagiliwan ng maraming mga Pilipino ang kaniyang viral video dahil sa kabila ng kamusmosan nito ay tila nasa isip na niya kaagad ang pagpasok sa pulitika.
At dahil na rin sa naging viral ang kaniyang video sa social media ay nabigyan siya ng pambihirang pagkakataon na maging guest sa ilang mga programa sa telebisyon at kalaunan ay naging bahaga pa ng It’s Showtime family sa Kapamilya network.
Kahit na bata pa sa paningin ng maraming mga tao ay talaga namang hindi matatawaran ang kaniyang pagnanais na tumulong at magbigay serbisyo sa mga tao. Napukaw na naman niyang muli ang atensyon ng maraming mga netizens dahil sa kaniyang cute na larawan sa social media habang siya ay tumutulong upang magbigay ng mga donasyong pagkain sa mga taong apektado ng krisis na pinagdaraanan natin sa ngayon dahil na rin sa COVID-19 pandemic.
Ang nagbahagi ng mga larawan na ito ay isang netizen na nakilala bilang si Edward Villasan. Ibinahagi niya ang mga larawan ni Aaron sa kaniyang social media account noong April 02, 2020. Narito ang nakakatuwang caption niya sa kaniyang viral post: “Heto yung YORME ko partida di pa nakaupo yan paano pag nakaupo na yan sementado na yung dagat.”
Maraming mga netizens naman ang talagang bumilib at humanga sa batang ito dahil sa murang edad ay masayang masaya itong tumulong sa mga taong nangangailangan. Ito ang ilan sa mga komentio ng mga netizens:
“Sana wag magbago ang pangarap ng batang iyan paglaki nya masesemento na yong dagat hehehe para di na mahirap mag biyahe sa barko papuntang Cebu.” Pahayag ng isang netizen.
“Nakakaproud ka naman yorme bata kapa pero pinaninindigan mo ng isa kang yorme”, Komento naman ng isa.
“Good job yorme! Ang sipag mo talaga.” Pahayag pa ng isa.