Manny at Jinkee Pacquiao tinuruang maglaba ang kanilang mga anak habang may ECQ!



Si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala ng publiko bilang si Manny Pacquiao ay 41 taong gulang na propesyonal na boksingero at kasalukuyang nagsisilbi bilang isang senador ng Pilipinas. Talaga namang tinitingala si Manny ng maraming mga Pilipino dahil nagmula man siya sa hirap ay labis siyang nagtiyag at nagsumikap upang makamit kung ano man ang mayroon siya sa ngayon.



Ang dating mahirap at halos walang makain na si Manny ay isa na sa pinakamayamang tao sa bansa ngayon. Mayroon siyang mga negosyo katuwang ang kaniyang misis na si Jinkee Pacquiao.

Bukod sa matagumpay at marangya nilang buhay sa ngayon ay talaga namang nakakamangha din ang kanilang matatag na pananampalatay sa Diyos. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng limang mga anak.


Ito ay sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel. Kamakailan lamang ay mas bumilib pa ang publiko sa pamilyang ito dahil hindi lamang sila maka-Diyos at matulungin dahil isa rin silang huwaran para sa maraming mga pamilyang Pilipino.

Sa viral post ni Jinkee kamakailan lamang ay ibinahagi nito ang kanilang mga gawain habang umiiral pa rin ang enhanced community quarantine sa maraming mga lugar sa bansa. Ayon sa caption na inilagay ng misis ng legendary boxer, tinuturuan nilang mag-asawa ang kanilang mga anak na babae na maglaba habang naka-quarantine pa ang marami sa atin.


Labis namang natuwa si Jinkee dahil sa masunurin ang kaniyang mga anak at nais din ng mga ito na matuto ng ganitong klase ng gawaing bahay. Tunay nga naman na sa pamilya talaga magsisimula ang lahat ng mga magagandang bagay na kailangang matutunan ng mga kabataan sa ngayon.



Kailangan lamang na magkaroon ng oras o panahon ang kanilang mga magulang upang magawa ang mga ito at mas magabayan pa ang kanilang mga anak patungkol sa maraming mga bagay sa buhay. Napakagandang inspirasyon ng pamilyang ito sa maraming mga pamilya sa bansa.




error: Content is protected !!