“Paste Mask” at “Carpio Hour”, nagdulot ng labis na kasiyahan sa maraming mga netizens sa gitna ng krisis sa COVID-19!



Nitong mga nagdaang linggo ay talaga namang nahirapan ang kalooban ng maraming mga Pilipino. Nagdulot ng labis na takot at pangamba ang patuloy na pagkalat at paglobo ng bilang ng mga kababayan nating nahahawa sa sakit na COVID-19.


Ang karamdaman na ito ang isa sa mga kinatatakutang sakit ngayon ng maraming mga tao sa iba’t-ibang panig ng lugar sa mundo. Ngunit sa kabila ng walang kasiguraduhang pagtatapos ng krisis natin na ito ay patuloy pa ring nananalig ang bawat pamilyang Pilipino na malalampasan din natin ang pagsubok na ito.



Ang pagiging positibo at masiyahin ng marami sa atin ay talaga namang hindi rin natitinag sa mga panahon ngayon. Sa katunayan ay labis na kinagiliwan ng maraming mga netizens ang mga viral posts na ito na tila mali ang pagbaybay sa ilang mga salita tulad na lamang ng “Paste Mask” na ang tamang baybay pala talaga dapat ay “Face Mask”.

Habang ang “Curfew” naman ay naging “Carpio Hours”. Ang mga nakakatuwang post na ito ay mula sa Facebook post ng netizen na si Jay Panti at sa Facebook Page na Sir Pj’s Stories.


Umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa mga netizens ang mga posts na ito. Talaga namang kahit pa mahirap ang sitwasyon natin sa ngayon ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga Pilipino at patuloy pa ring nagiging matatag ang ating mga pananampalataya dahil sa pagsubok na ating kinakaharap sa ngayon.

Narito ang ilan sa mga nakakatuwang komento ng netizens sa mga viral posts na ito:


“Tapos 3 piraso for 100 pesos pa? Kaya pala medyo mahal kasi permanent na raw, hindi na matatangal sa mukha hahaha.” Pahayag ng isang netizen.


“It made me laugh hahaha. Wala nang alisan pala ang face masks na ito. Sobrang paranoid magkaroon ng COVID–19 ghorl?” Pabirong komento naman ng isa.



“Siguradong safe gagamit niyan kaya lang kapag tinanggal kasama na mukha hahaha.” Saad pa ng isa.

“Ayoko na sa Earth mga kumare! Hahaha. Parang pangalan lang ng beerhouse ah,” Dagdag pa ng isa.

“Wala lang, nakaka–good vibes lang, pero sana naitatama rin ng mga nagpipicture sa halip na pagtawanan sila.” Komento pa ng isa.




error: Content is protected !!