Isang ginang na nakaranas ng pandidiri at pangungutya mula sa kaniyang mga kapitbahay dahil sa mister niyang PUI na pumanaw na, naglabas ng hinaing sa viral video!



Hindi madali ang pinagdaraanan nating pagsubok sa ngayon laban sa nakakahawang sakit na COVID-19. Hanggang sa mga oras na ito ay ginagawa pa rin ng ating gobyerno maging nang ating lokal na pamahalaan ang kanilang makakaya upang mas matulungan pa at mas masuportahan ang mga mahihirap na pamilyang apektado ng lockdown.



Marami nang mga establisyemento at negosyo ang kinailangan na magsara. Maraming mga manggagawa ang kinailangang huminto muna sa pagtatrabaho upang hindi na tuluyan pang kumalat ang sakit na ito.


Kasabay ng ilang mga suliranin na ito ay ang pagkasawi ng marami sa ating mga kababayan. Nakakalungkot isipin na maraming mga Pilipino ang nahawa ng sakit na ito at tuluyan nang pumanaw. Isa na rito si Edgar Salayon na noon ay isang patient under investigation. Siya ay mula sa Barangay Progreso sa San Juan City.


Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang napakahirap na kalagayan ng kaniyang pamilya dahil na sa diskriminasyon ng kanila mismong mga kapitbahay. Ayon sa panayam ng GMA News sa asawa ni Edgar na si Anne Salayon, hindi na nito napigilang maiyak sa nararanasan nila sa ngayon dahil sa mga mapanghusgang tao sa kanilang paligid.


“Mahirap, namatayan ka na, ganito pa. Hindi mo nga alam kung kailangan ko maililibing ang asawa ko e. Masakit pa, walang makikiramay sayo. Wala akong puwedeng makausap,” Ito ang isa sa mga emosyonal na pahayag ni Anne patungkol sa kanilang nararanasan sa ngayon.



Ilan sa mga hindi magandang ginawa ng kanilang mga kapitbahay sa kanilang pamilya ay ang hindi pagpapahintulot sa mga itong makalabas ng kanilang tahanan kahit na ang dahilan nila ay bibili sila ng kanilang pagkain. Maging ang kanilang mga basura ay hindi rin kinukuha dahil sa takot na mahawa ang mga kukuha nito.

Minsan ding hinarang ang Grab Food Delivery na para sana sa kanilang pamilya. Buti na lamang at kahit papaano ay mayroon pa rin silang napakiusapang bumili ng kanilang pagkain.






error: Content is protected !!