Isang ina naiyak na lamang habang buhat buhat ang kaniyang anak na may sakit na ayaw tanggapin kahit saan mang ospital!



Ina, nanay, mama, mommy, ma, mom, ang mga salitang ito ay ilan lamang ito sa mga katagang itinatawag natin sa ating mga mahal na ina. Tunay nga na mapalad na tayong maituturing kung hanggang sa mga panahong ito ay mayroon pa rin tayong mga magulang na siyang nagmamahal at gumagabay sa atin.



Hindi biro ang sakripisyo ng mga magulang sa kanilang mga anak. Maging ama man o ina ay pantay lamang sa mga tungkulin at responsibilidad para sa kanilang mga pamilya.

Ngunit kamakailan lamang ay talaga namang labis na umantig sa puso ng maraming mga netizens ang video na ito ng isang ina na wala nang magawa kundi ang maiyak na lamang dahil sa hirap na kanilang dinaranas ng kaniyang musmo na anak. Ayon sa viral na video na ibinahagi ng Facebook Page na Laban Pilipinas, ang mag-ina ay tila na isang pagamutan dahil na rin sa mga tunog na maririnig sa mismong video.


Habang umiiyak ang ina ay mapapansing hindi rin normal ang pag-ubo ng kaniyang anak na tinawag niya sa pangalang Cardo. Ayon pa sa emosyonal na ina, tatlong araw nang hindi kumakain ang kaniyang anak kung kaya naman nakikiusap siya sa mga ospital na kanilang napuntahan kung maaari sanang kahit swero man lang ay mabigyan ang bata.



Ngunit tulad ng mga naunang pagamutan na kanilang pinuntahan ay tinuturo lamang sila sa iba pang mga ospital na kahit isa ay hindi rin naman tumanggap sa kanila. Napakabigat ng ganitong sitwasyon na talagang walang magawang paraan ang ina na ito dahil kahit sa mga pribadong pagamutan ay hindi rin sila tinatanggap.

Umani naman ito ng maraming mga reaksyon mula sa mga netizens. Marami sa kanila ang nakikiusap sa mga otoridad na sana ay mabigyan ng pansin ang mga ganitong klase ng sitwasyon sa ngayon.



Tunay nga na mayroon tayong mabigat na krisis na kinahaharap hanggang sa mga oras na ito. Ngunit sana ay mabigyan din ng karampatang atensyong medikal ang bata dahil napakahirap para sa isang magulang na makitang nahihirapan ang kaniyang anak




error: Content is protected !!