Isang photographer na Pinoy ang nagwagi sa NatGeo contest dahil sa kaniyang nakakabighaning larawan ng Palawan!



Aminin man natin o hindi, maraming mga photographer sa bansa ang kadalaasang nagiging konsepto ang kahirapan sa ating bayan sa kanilang mga kinukuhang larawan. Bukod sa kahirapan ay madalas ding mapapansin sa mga kuha ng ilang mga photographer ang ilang mga bagay o kaugalian ng mga Pilipino na talaga namang hindi kaaya-kaaya.

Ngunit kamakailan lamang ay ikinagalak ng publiko ang larawan na ito na kuha ng isang beteranong photographer na Pinoy na nakilala sa pangalang George Tapan. Sa halip kasi na korapsyon, kahirapan, o hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan ang maging konsepto ng kaniyang mga kuhang larawan ay ang naturan na ganda ng ating bayan ang kaniyang naging inspirasyon.



Isang araw, habang bumisita sina George kasama ang kaniyang grupo ay kinailangan muna nilang manatili at magpatila ng ulan sa Onuk Island sa Balabac, Palawan. Habang pinapanuod nila ang pag-ulan sa may dalampasigan ay kinuhanan niya ito ng larawan.


Ang larawan na ito ay hindi basta-basta isang larawan lamang dahil talaga namang napakaraming magagandang bagay ang isinasalarawan nito. Tulad na lamang ng dalawang bahaghari na ang kahulugan para sa marami ay “pag-asa” at “kapayapaan”.

Ito ay sumisimbolo rin ng pangako ng Diyos para sa ating lahat na kailanman ay hindi na niya gugunawin ang mundo sa pamamagitan ng pagbaha. Bukod pa sa mga ito ay mayroon ding dalawang tao sa larawan na tila hindi nangangamba sa pagbuhos ng ulan bagkus ay tila isang biyaya ito para sa kanila.


Isinali ni George ang kaniyang kuhang larawan sa “Places” category ng National Geographic photo contest. Ang kaniyang kuhang larawan mismo ang nagwagi mula sa 20,000 na mga lumahok mula sa 130 na mga bansa sa buong mundo.



Ilan sa mga kilalang personalidad na naging hurado sa naturang contest ay si Tim Laman, Peter Essick, at si Amy Toensing. Talaga namang nakakamanghang isipin na naibahagi din niya sa maraming mga tao sa buong mundo ang angking ganda ng mahal nating bayan, ang Pilipinas.




error: Content is protected !!