Ivana Alawi, labis ang pagmamahal sa kaniyang ina na kasama na niya noon sa hirap at ginhawa!



Si Ivana Alawi ay 23 taong gulang na aktres, vlogger at modelo. Napukaw niya ang atensyon ng publiko dahil sa angkin niyang kagandahan, nakakabilib na talento, at ang kaniyang balingkinitang pangangatawan.



Ngunit bukod pa sa mga ito ay talaga namang minahal ng publiko ang kaniyang masiyahin at nakakatuwang personalidad. Kahit pa nga isa siyang heredera dahil sa mga pamana ng kaniyang namayapang ama ay nananatili pa rin itong simple sa kaniyang pamumuhay.


Lingid sa kaalaman ng marami niyang mga tagasuporta at tagahanga sa social media ay hindi naging madali sa aktres ang makamit ang lahat ng tagumpay at kasikatan na tinatamasa niya sa ngayon. Sa isa sa kaniyang mga vlog sa kaniyang YouTube channel ay ibinahagi niya kung paano siya nagsimula sa pinaka-ibaba at kung paano siya sinuportahan at hindi sinukuan ng kaniyang mahal na ina.


Ang kaniyang ina na si Fatima Marbella ay isang Pilipina habang Moroccan naman ang kaniyang pumanaw na ama na si Samier Alawi. Bata pa lamang siya ay hindi naging kadali ang kaniyang buhay dahil sa ipinagbubuntis pa lamang ng kaniyang ina ang kapatid niyang si Mona ay naghiwalay na ang kaniyang mga magulang.


Sa kabila nito ay naging matatag siya at hindi nagpagapi sa buhay. Dahil sa kaniyang mga naging karanasan ay mas naging masaya siya at kuntento sa buhay. Tunay nga na isa nga si Ivana sa pinakasikat na aktres at vlogger sa ngayon. Hindi na rin nakapagtataka na kahit babae o lalaki man ay talagang bumibilib at humahanga sa kaniya.



Ngunit kahit pa siya ay sikat na ay hinding-hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga sakripisyo ng kaniyang ina para sa kaniya. Batid ng aktres at maging ng lahat niyang mga kapatid kung gaano sila kapalad dahil sa mayroon silang isang mapagmahal na ina. Isang ina na kailanman ay hindi mapapagod at magsasawang mahalin at suportahan ang kaniyang mga anak.




error: Content is protected !!