Simple at napakapayak na pagkain ng mga Pilipino noon, paborito pa rin ng ilang mga Pilipino sa ngayon



Tayong mga Pilipino ay ilan lamang sa mga taong mahilig at masarap kumain. Hindi rin naman maipagkakaila na masarap ding magluto ang marami sa atin. Hindi lamang ang mga ina ng tahanan o mga kababaihan ang nakakabilib magluto bagkus maging ang ilang mga kalalakihan sa ngayon.



Hindi kataka-taka na mas marami pang mga kabataan sa ngayon ang naiingganyang mag-aral magluto hindi lamang para sa kanilang magiging mga pamilya pagdating ng araw kundi para na rin mismo sa kanilang personal na pagluluto para sa kanilang mga sarili.




Kamakailan lamang ay naitampok sa Facebook Page na “Pilipinas Trending Viral” ang ilang mga larawan ng mga simple at payak na pagkain noon ng maraming mga Pilipino. Kahit na moderno na ang ating lipunan sa ngayon ay talaga namang marami pa ring mga Pilipino ang natatakam at nasasarapan sa mga pagkain na ito.




Ilan nga sa mga ito ay ang kanin na mayroong toyo at kamatis, kanin na mayroong kape, kanin at sardinas, champorado na mayroong tuyo, kanin na mayroong “Milo”, Ginamos o bagoong na katambal ay nilagang saging. Talaga namang napakaraming mga alaala ang nagbabalik dahil sa mga pagkain na ito.





Simple man at payak na maituturing ay naging isa ito sa mga masasarap na pagkain ng maraming mga pamilyang Pilipino noong ang ating mga pamumuhay ay napakasimple pa lamang. Tunay nga na hindi mapapalitan ng mamahalin at masasarap na mga pagkain ang mga minahal nating putahe o pagkain noon.

Lumipas man ang maraming panahon ay hindi matutumbasan ang kagalakan at kaligayahang naramdaman natin noon dahil sa mga pagkain na ito noong ating kabataan. Maaaring hindi ito kilala o hindi ito alam ng maraming mga kabataan sa ngayon ngunit labis itong pinahahalagahan ng mga kabataan noon.

Kung kaya naman kahit na medyo may kahirapan ang sitwasyon at kalagayan ng bawat isa dahil sa krisis na kinakaharap natin sa ngayon ay marami pa rin sa atin ang hindi nawawalan ng pag-asa at patuloy na nananampalataya na magiging maayos din ang lahat, isang araw.






error: Content is protected !!