“Gaga” at “Hindi nakakatulong” ang ilan lamang sa mga komento ng netizen na ito sa Instagram post ni KC Concepcion!



Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa anak ng mga batikang artista na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion? Si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion o mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si KC Concepcion ay ang 35 taong gulang na anak ng isa sa pinakahinahangaan at pinakarespetadong love team sa industriya ng show business sa bansa.

Bukod sa ilang mga pelikula at programa sa telebisyon na kaniyang nagawa ay kilala rin siya bilang National Ambassador Against Hunger of the United Nations’ World Food Programme. Tunay nga na marami ang humahanga sa angkin niyang kagandahan at talentong namana niya mula sa kaniyang mga magulang.

Kamakailan lamang ay naging maugong ang kaniyang pangalan dahil sa ginawang pangbabash sa kaniya ng isang netizen dahil lamang sa niluto nitong pasta. Nagbahagi kasi ang aktres ng isang video sa kaniyang Instagram account ng kaniyang “Salmon-kale Arrabbiata on Durum Wheat Fettuccini” recipe.

May caption din itong, “Pasta Night.” Ang mga sangkap ng kaniyang ginawang pasta ay white garlic, salmon, tomatoes, chili, salt, pepper, cayenne, paprika, coconut sugar, seasoning, tomato sauce, almond flakes at noodles.




Ngunit kalaunan ay mayroong nagkomento dito na isang netizen na talaga namang galit na galit sa dalaga dahil sa diumano ay hindi naman ito nakakatulong lalo na panahong may kinakaharap pa rin tayong krisis. Kung kaya naman dapat ay hindi diumano ito nagbabahagi ng mga lutuin na napakahirap makuha ng mga sangkap.


“Dislike! Saan bibili ang mga ingredients kung sa palengke lang ang punta nila. Be practical hindi ka nakatutulong, sa mga kabayan na sa palengke lang ang takbo…paprika?! Gaga!” Ito ang naging buong pahayag ng naturang basher.

Narito naman ang napakagandang sagot sa kanya ng aktres:

“Hindi ko na ba ishare ung mga niluluto ko gamit ang laman ng pantry ko ate kung bad mood? Pati gluten free pancakes, cinnamon powder, chocolate spread, hindi na ba pwede ishare sa followers ko?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KC – also, Kristina. (@itskcconcepcion) on

“Gaga na agad ako nag share lang ng totoong niluluto sa bahay. hindi naman sinabing exact ingredients ang gamitin. Hindi ko pa nga napost ang quinoa at ube pandesal galit ka na agad.” Dagdag na pahayag pa ng aktres.




error: Content is protected !!