Ama ng isang frontliner hinangaan ng publiko dahil sa araw-araw na paghahatid nito sa kaniyang anak!



Napakasarap magkaroon ng mga magulang na talaga namang magmamahal at susuporta sa kanilang mga anak. Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong klase ng biyaya at pagkakataon ngunit talaga namang napakapalad mo kung isa ka sa mga taong hanggang sa ngayon ay kasama pa rin ang kaniyang mga magulang gaano man kahirap o kakomportable ang inyong pamumuhay.


Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang pambihirang pagmamahal at dedikasyon ng ama na ito para sa kaniyang anak na isang frontliner sa isang ospital. Ayon sa larawang ibinahagi ng Facebook page na ALERT Wanted 305.




Mapapansin sa larawan na dala-dala ng ama ang isang bisekleta habang kasabay nitong naglalakad palabas ang kaniyang anak na dalaga. Ayon sa naturang viral post ay walang patid na inihahatid ng ama ang kaniyang anak sa gate ng kanilang subdivision at mula roon ay magbibisekleta na ang dalaga patungo sa Marikina Valley Hospital kung saan siya nagtatrabaho.

Kahit pa mahahahalata mo ang pag-aalala ng ama para sa buhay at kaligtasan ng kaniyang anak ay wala itong magawa dahil sa mas kailangan ng bayan sa ngayon ang tulong at serbisyo ng kaniyang mahal na anak. Kung kaya naman wala na siyang ibang dasal kundi ang maging ligtas ang kaniyang anak mula sa ano mang mga kapahamakan.



Tunay nga na mga bayani ang ating mga healthcare workers dahil sa kabila ng banta at panganib na kanilang kinakaharap sabayan pa ng mga paghihirap at diskriminasyon na kanilang nararanasan sa mismong mga kamay ng mga taong kanilang pinagsisilbihan at pinoprotektahan. Kung kaya naman sa halip na tayo ay maghusgahan at maging mga pasaway na mamamayan ng lipunang ito, marahil ay mas makabubuti na maging maunawain, matulungin, masunurin, responsable at madasalin tayo lalo na sa mga panahon ngayon.

Upang kahit papaano ay makatulong man lamang tayo sa bigat ng sitwasyong kinakaharap ng buong bansa at buong mundo sa kasalukuyan.





error: Content is protected !!