Categories: FamilyHouse Furniture

Jinkee Pacquiao, ipinasilip sa publiko ang kanilang napakagandang mansyon sa Makati na talaga namang napakaelegante!

Kamakailan lamang ay muli na namang pinamangha ng misis ng ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao ang kaniyang 1.6 milyong followers sa Instagram. Ito ay dahil sa pagbabahagi niya ng ilang mga larawan ng napakaganda at napakaelegante nilang mansyon na matatagpuan sa Makati City.

Sa mansyon nilang ito namamalagi ang pamilya Pacquiao mula nang ipinatupad ang “enhanced community quarantine” sa maraming mga lugar sa bansa dahil na rin sa banta ng COVID-19. Dahil sa naturang panukala ay mahigpit na pinapairal ang “Stay at home Policy” para sa maraming mga pamilyang Pilipino.


Ito ay kinakailangan upang mas masiguro ang hindi na paglobo pa ng mga Pilipinong nahahawa at nagkakasakit ng naturang pandemya na kumalat na rin sa maraming mga bansa sa buong mundo hanggang sa mga oras na ito. Nito lamang Abril 5, Linggo, ay ipinasilip ni Jinkee kung ano ang ginagawa ng pamilya sa loob ng kanilang tahanan habang ECQ.


Sumamba ang pamilya ng araw na ito sa pamamagitan ng live stream video. Nilagyan pa ito ng caption ni Jinkee na nagsasabing habang mas nakikilala natin ang ating Diyos ay mas minamahal natin Siya. Habang mas minamahal natin siya ay mas nakikilala natin siya. Habang mas nakikilala natin siya ay mas nagiging katulad tayo ng ating Diyos.


Bukod pa sa post na ito ay mayroon na ring ilang mga larawan na naibahagi si Jinkee sa kaniyang social media account noon pang Marso 18 na ika-limang araw din ng kanilang quarantine. Talaga namang bumilib at namangha ang maraming mga Pilipino dahil sa nalakaganda nilang tahanan.


Mayroon din silang outdoor swimming pool dito. Bukod sa napakaganda nilang mansyon ay nakakabilib din ang matatag nilang pananampalataya sa Diyos at ang kanilang pagmamalasakit at pagtulong sa kanilang kapwa sa mga ganitong klaseng sitwasyon.

Tunay na isang napakagandang pamilya na binuklod ng dakilang pag-ibig ng Diyos. Isang napakagandang halimbawa para sa maraming mga pamilyang Pilipino.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago