Kakaibang cake design para sa kaarawan ng anak nina Melai at Jason Francisco na si Stella, ikinawindang ng maraming mga netizens!



Maraming mga Pilipino ang nalungkot dahil sa kinakaharap nating krisis sa ngayon. Marami sa atin ang namimiss na ang dati nating pamumuhay at ang dati nating mga ginagawang aktibidad. Gayundin naman ay labis na nalungkot ang mga taong dapat sana ay magdiriwang ng kanilang mga kaarawan ngunit tila hindi ito ang panahon upang magkaroon ng malaking pagdiriwang o salo-salo.



Bagkus ay marami sa atin ang nakuntento na lamang sa simpleng handa kasama ang pamilya dahil na rin sa mahigpit na pagpapatupad ng “stay at home policy” at “social distancing”. Ngunit sa kabila ng kinahaharap nating pagsubok sa ngayon ay walang nakahadlang sa pamilya nina Melai at Jason Francisco upang ipagdiwang ang ika-tatlong kaarawan ng kanilang bunsong anak na si Stela Rosalind C. Francisco.


Talaga namang nasiyahan ang pamilya sa simple nilang pagdiriwang na ito. Ngunit tila napukaw ang pansin ng publiko sa kakaibang disenyo ng cake ni Stella. Sa halip kasi na kulay pink, at puno ng mga bulaklak, paru-paro o di kaya naman ay mga sikat na karakter na pambata ang disenyo nito ay isa sa pinakakinatatakutang hayop ng marami.


Cockroach o ipis kasi ang disenyo ng kaniyang cake. Ngunit kung weird ito para sa marami, ito diumano ang nais ni Stella dahil sa noon pa man ay labis na itong namamangha sa mga ipis. Kakaiba hindi ba? Gayunpaman ay masayang-masaya ang mga magulang ni Stella dahil sa mabuti niyang kalusugan at ng buo nilang sambahayan.

Wala na ngang makahihigit pang regalo sa pagkakaroon ng napakasayang pamilya at mapagmahal na mga magulang at kapatid. Si Melisa “Melai” Cantiveros-Francisco ay 35 taong gulang na aktres, komedyante, at host.



Siya rin ang ikalimang Big Winner ng reality show na “Pinoy Big Brother: Double Up in 2009”. Taong 2015 ay nagwagi rin siya sa “Your Face Sounds Familiar”.

At kasalukuyang host siya ng morning talk show na “Magandang Buhay” kasama sina Karla Estrada at Jolina Magdangal.