Paulina Sotto, anak ng batikang komedyante na si Vic Sotto nagtapos ng Cum Laude sa Ateneo!



Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa napakahusay na aktor, komedyante, at host na si Marvic Castelo Sotto o mas nakilala ng publiko bilang si Vic Sotto? Hinahangaan siya ng publiko dahil sa kaniyang angking karisma, kagwapuhan at pambihirang mga talento.


Siya ay mayroong limang mga anak sa mga naging karelasyon nito noon. Mayroong tatlong mga anak na babae si Bossing Vic at dalawang mga anak na lalaki.




Ang kaniyang misis ay ang EB Dabarkads host na si Pauleen Luna at biniyayaan na rin sila ng isang cute na anak na pinangalanan nilang Baby Talitha Sotto na mahigit sa dalawang taong gulang na sa ngayon. Taong 1988 nang ikasal noon ang batikang komedyante sa una nitong asawa na si Dina Bonnevie.


Siya ang ina nina Danica at Oyo Boy Sotto. Ngunit taong 2003 ay pinawalang-bisa rin nila ang kanilang kasal. Naging mga sikat na artista din ang kanilang dalawang anak. Si Mayor Vico Sotto naman ng Pasig City ay anak ni Vic sa kaniyang dating co-host na si Coney Reyes.


Isa si Mayor Vico sa mga hinahangaang alkalde ngayon ng bansa dahil sa maagap at responsable niyang pamamahala sa kaniyang nasasakupan. Si Paulina Sotto naman ay anak ni Vic sa dating aktres at modelo na si Angela Luz.



Ngunit sa halip na sumabak siya sa industriya ng show business at tinahak niya ang landas na kaniyang ninanais. Sa ngayon ay tinatahak niya ang landas kung saan nakilala ang kaniyang lolo na si Arturo Luz, National Artist for Visual Arts.

Bukod pa sa pambihirang talento at interes niya sa sining ay nagtapos din siya bilang Cum Laude sa Ateneo De Manila University sa kursong Bachelor of Arts Major in Communication. Brand new na Audi-Q3 lang naman ang iniregalo sa kaniya ng kaniyang ama.




Talaga namang labis ang pasasalamat niya dahil sa kaniyang napakamapagmahal na ama at ina.




error: Content is protected !!