Derek Ramsay, 100% nang sigurado na si Andrea Torres na ang babaeng makakasama niya sa buhay!



Marami tayong hinahangaan na mga sikat na personalidad at mga artista. Hindi lamang dahil sa kanilang angking kagandahan, matipunong pangangatawan, mga nakakabilib na talento kundi dahil na rin sa kanilang mga personalidad at magandang disposisyon sa buhay.



Bukod pa sa mga ito talaga namang nakakamangha rin ang tagumpay nila sa kanilang karera at maging sa kanilang buhay pag-ibig. Parang kailan lang nang nasorpresa ang publiko dahil sa pag-amin ng Kapuso Stars na sina Derek Ramsay at Andrea Torres na sila ay exclusively dating at kalaunan ay naging opisyal nang magkasintahan.


Marami sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang talaga namang naligayahan at nagalak na silang dalawa ay nagkatuluyan matapos ang matagumpay nilang proyekto sa Kapuso network. Hindi naman talaga maipagkakaila ang napakagandang chemistry ng dalawa sa harap man o sa likod ng kamera.



Maganda at simpleng babae si Andrea habang napakamatipuno at magandang lalaki rin naman si Derek. Kitang-kita naman sa kanilang mga ngiti at maging sa kislap ng kanilang mga mata ang wagas na pag-ibig nila para sa isa’t-isa.

Hindi na nakapagtataka na nasa isip na rin ni Derek Ramsay ang lumagay sa tahimik kapiling ng babaeng nagpapaligaya at nagmamahal sa kaniya. Ayon pa sa aktor, 100% sigurado na siyang ang aktres na ang babae para sa kaniya.


“I’ve gone through so many things, ‘no? Ang dami kong pinagdaanan sa buhay, hindi lang sa career ko, tapos eto pa,” pagtutukoy niya sa COVID-19 na krisis ng maraming mga bansa sa buong mundo ngayon.


“I never expected na meron tayong mararanasan na ganito. But I consider myself very blessed na merong pumasok na tunay na nagmamahal sa akin, na talagang walang effort ang relationship na ito. Kung paano siya nag-umpisa, kung paano siya nag-grow, everything’s just so real and so true. Confident ako, with the 100 percent of my heart, na sabihin kong siya na. Yun na ‘yun!” Talaga namang nakakakilig ang pahayag na ito ng Kapuso hunk sa naging panayam sa kaniya ng PEP.






error: Content is protected !!