Isang matandang lalaki na ulila na at wala nang pamilya, ipinanawagan ng tulong ng kaniyang mga kapitbahay!



Kamakailan lamang ay pumukaw sa maraming mga netizens ang Facebook post ng isang Rochelle Otero. Ito ay patungkol sa isang matandang lalaki na wala nang pamilya.

Ang naturang lolo ay nakilala sa pangalang Ferdinand Marasigan Macaraeg. Ayon sa pahayag ng nagmagandang loob na kapitbahay ay wala na diumanong pamilya ang matanda at minsan nang nagtangka na sumuko sa buhay.



Kung kaya naman nananawagan ang mga kapitbahay ni Lolo Ferdinand na kasalukuyang naninirahan sa River Side, Galatia St. Multinational Village, Brgy. Moonwalk, Parañaque City n asana ay matulungan ang kawawang matanda.


Bagamat batid ni Rochelle na wala siyang anumang karapatan upang husgahan ang iba pang mga kamag-anak ng matanda ay hindi niya mapigilang maawa sa kalagayan ng matanda dahil sa kaniyang edad ay mag-isa na lamang ito sa buhay at talaga namang mapapansin mong puno ng kalungkutan ang kaniyang mga mata.


Buti na lamang at kahit papaano ay mayroong nagmagandang loob sa matanda. Siya ay nakilala bilang si JhayAr Buenviaje na kilala sa kanyang mga “humanitarian missions”. Nagtungo siya sa kinaroonan ng matanda at inalok ng tulong.

Mayroon na siyang nakausap na isang home for the aged na San Lorenzo Ruiz Home of the Elderly sa Pasay City kung saan tutuloy at maninirahan ang matanda. Tunay nga na hindi biro ang ganitong klase ng sitwasyon.



Dahil sa gustuhin mang mamuhay ng maayos ni Lolo Ferdinand sa dapit-hapon ng kaniyang buhay ay hindi mo pa rin maiaalis sa kaniyang puso ang pangungulila at kalungkutan na kaniyang nadarama. Nawa ay kung sakaling makarating sa iba niyang mga kamag-anak o di kaya naman ay pamilya kung mayroon man, sana ay hindi nila pagkaitan ng pagkakataon na makapamuhay pa ang matanda kasama sila sa mga huling sandal nito sa mundo.

Dahil wala pa ring ibang makahihigit sa pagkalinga at pagmamahal na mayroon ang isang pamilya kumpara sa kahit sino pa mang indibidwal.




error: Content is protected !!