Lahat ng mga OFW ay dapat masakop ng $200 na Financial Aid ng DOLE ayon sa isang Labor Group



Sa gitna ng banta ng nakakahawang sakit na COVID-19 sa ating bansa ay patuloy na nagsusumikap ang ating gobyerno na matugunan ang pangangailangan ng maraming mga Pilipino at kahit papaano ay matugunan ang mga pinansyal na pangangailangan ng mga mahihirap na pamilyang Pilipino. Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi kwalipikado ang lahat upang makatanggap ng mga ayudang ito.


Kung kaya naman marami ring mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang umaalma lalo na at maging sila ay nasa “No Work, No Pay” status din. Ayon sa labor group na “Kilusang Mayo Uno” (KMU), marahil ay nararapat ding bigyan ang mga OFWs na ito ng ayuda na nagkakahalaga ng $200 o P10,000 mula sa gobyerno.



Kamakailan lamang ay naglabas ang Department of Labor and Emploment o DOLE ng tulong pinansiyal para sa mga manggagawa na apektado ng COVID-19. Tinatawag nila itong “DOLE-AKAP”.


“This is selective compassion. Regardless if you’re terminated or furloughed or placed in floating status because of the pandemic, everyone still experiences the same crisis,” pahayag ni Elmer Labog na chairperson ng KMU.


Nagkomento rin ito patungkol sa halos $33 bilyong halaga ng salapi na ipinapadala ng mga OFW na ito sa kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas bilang mga remittances.

“Our OFWs have sacrificed for years, working away from home. Now that the OFWs are in need of our help, the government can only give them $30 million in financial aid that does not even cover everyone affected by the crisis,” Dagdag pa niya.


“What the government needs to do is to direct government funds in expanding the coverage of the program and Philippine embassies should act quickly in consolidating all OFWs, whether documented or not, to be covered in this aid. Otherwise, DOLE should mandate all employers both local and foreign to pay workers the equivalent amount of their wages.” Pahayag pa ng labor group leader.






error: Content is protected !!