Pastor Quiboloy mayroong panibagong prediksyon ng mas malala at mas nakakatakot pang delubyo maliban sa COVID-19!



Kamakailan lamang ay muli na namang nag-viral ang mga naging pahayag ni Pastor Quiboloy patungkol sa diumano ay mas malalang delubyo na parating maliban pa ang krisis na kinakaharap natin sa ngayon dahil sa pandemyang COVID-19.



Maaalalang hinamon ng It’s Showtime host at sikat na komedyanteng si Vice Ganda noon si Pastor Quiboloy kung saan diumano ay kayang-kaya nitong pahintuin ang malalang trapiko sa EDSA at maging ang napakatagal nang programa sa telebisyon na “FPJ’s: Ang Probinsiyano”.

Laking gulat ng marami dahil sa nagkatotoo na nga ang mga ito. Naging napakaluwag na ng maraming mga kalsada sa Maynila hindi lamang ang EDSA kundi marami pang mga kakalsadahan sa buong bansa


Maging ang mga programa sa telebisyon tulad ng pinagbibidahan ni Cardo ay nahinto na rin. At ngayon nga ay mayroon na namang pangitain ang naturang Pastor na diumano ay makararanas ng napakatinding lindol ang buong Pilipinas kung saan napakarami ang masasawi.


Ayon pa sa kaniya ay nananalangin na siya sa Diyos na huwag na sanang matuloy pa ang kaniyang pangitain at sana ay hindi na ito magkatotoo pa. Ipinahayag din naman niya na ang tanging paraan lamang upang matapos na ang krisis natin na ito sa COVID-19 at upang hindi matuloy ang kaniyang pangitain ay dapat na umano tayong magsisi sa ating mga kasalanan at humingi ng kapatawaran mula sa ating Diyos.



“Nobody will be able to help you. Don’t wait for that. Here am I, pray to God that the second vision will not happen.” Pahayag ni Pastor Quiboloy.

Si Apollo Quiboloy ay mas kilala sa tawag na Pastor Quiboloy, siya ang founder at lider ng Philippines-based Restorationist church na “Kingdom of Jesus Christ”. Inilarawan niya mismo at pinangalanan ang kaniyang sarili bilang “The Appointed Son of God” at “The Owner of the Universe”.

Maraming mga netizens ang talaga namang nabahala sa kaniyang mga naging pahayag ngunit marami pa rin sa ating mga Pilipino ang patuloy na pinanghahawakan ang kanilang pananalig at pananampalataya sa Diyos.






error: Content is protected !!