“SANA ALL!”: Mayor ng Palayan City, Nueva Ecija namamahagi ng cash assistance sa kaniyang mga nasasakupan na galing mismo sa kaniyang sariling bulsa!



Kabi-kabilang hinaing at reklamo ang naririnig natin sa ating mga kababayan dahil sa hirap na kanilang dinaranas ngayon dahil sa patuloy na pagpapairal ng enhanced community quarantine sa maraming mga siyudad sa buong bansa. Dahil sa hanggang ngayon ay patuloy pa ring dumarami ang mga taong nahahawa at naaapektuhan ng COVDI-19 crisis sa bansa ay wala nang mas mabuti pang magagawa ang pamahalaan kundi ang ipagpatuloy at pahabain pa ang ECQ.



Ito ay para na rin sa seguridad at kaligtasan ng mas maraming mga Pilipino. Dahil sa naturang quarantine ay hindi na nakakapasok pa sa kanilang mga trabaho ang mga manggagawang Pilipino.

Maging ang ilang mga negosyo at establisyemento ay kinailangan din munang ipasara. Talaga namang napakahirap ng sitwasyon natin sa ngayon ngunit hindi pa rin sumusuko ang maraming mga Pilipino sa pananalangin at paniniwalang darating din ang araw na matatapos din ang lahat ng pagsubok na ito.


Sa kabila ng hirap na ating kinakaharap ay talaga namang nagtutulungan pa rin ang ating gobyerno, lokal na pamahalaan, mga kilalang personalidad at mga artista, at maging ilang pribadong organisyon. Maging ang ilang mga pulitiko ay nag-aabot na rin ng tulong hanggang sa kanilang makakaya.



Tulad na lamang halimbawa ng isang butihing alkalde na ito mula sa Palayan City sa Nueva Ecija kung saan namahagi ito ng tulong pinansyal sa kaniyang mga nasasakupan na mula mismo sa kaniyang sariling bulsa. Ayon na rin sa post ng City Councilor na si Julius Sta. Maria.

Ala-sais pa lamang ng umaga ay nag-ikot ikot na sa kaniyang nasasakupan si Mayor Rianne Adrianne Mae J. Cuevas at nagbahagi ng kaunting tulong sa mga taong ito mula sa personal niyang pera. Ayon sa ilang mga ulat ay P3,000 ang tulong na pinaabot ng alkalde maliban pa sa tulong pinansyal ng DSWD sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.



Tunay nga na sa panahon ng krisis na ito ay marami pa ring mga tao ang buong pusong nagbibigay tulong sa kanilang kapwa. Hindi na katakataka na mas marami pang mga tao ang labis na humahanga at bumilib sa naturang alkalde.




error: Content is protected !!