Andi Eigenmann nagsilbing inspirasyon sa publiko dahil sa healthy lifestyle na itinuturo nito maging sa kaniyang mga anak!



Ang pagiging isang ina ay napakagandang biyaya mula sa Diyos. Hindi lahat ng mga kababaihan ay nagkakaroon ng pambihirang oportunidad na makapagdalang-tao, makapagsilang ng sanggol, at makapag-alaga ng kanilang mga supling.



Hindi madali at kailanman ay hindi magiging madali ang maging isang ina at maging isang asawa ngunit sa kabila nito ay talaga namang mamamangha ka sa mga kababaihan na inilalaan ang kanilang sarili upang mas maalagaan nila ang kanilang pamilya. Tulad na lamang halimbawa ng aktres at modelo na si Andi Eigenmann.


Talaga namang masayang-masaya at kuntento ang buhay nito kapiling ang kaniyang dalawang mga anak at nobyong si Philmar Alipayo sa isla ng Siargao. Sino ba naman ang hindi maliligayahan sa napakagandang tanawin na iyong makikita sa dalampasigan tuwing imumulat mo ang iyong mga mata sa umaga?


Gayundin naman ang napakasariwang hangin at sariwang mga pagkain? Kamakailan lamang ay nagsilbing inspirasyon si Andi sa iba pang mga nanay dahil sa pagkakaroon nito ng healthy lifestyle na maging sa kaniyang mga anak ay itinuturo na niya.


Labis na pinahahalagahan ni Andi ang kalusugan ng kaniyang buong pamilya kung kaya naman maging sa kaniyang bunsong anak ay hindi niya ito kinakaligtaan. Nagsimula nang kumain ng “solid foods” ang kaniyang siyam na buwang gulang na anak kung kaya naman organic at masusustansiyang pagkain lamang ang kaniyang inihahanda para sa kaniyang mag-ama.



Ilan sa mga naihanda na nitong pagkain para sa kaniyang pamilya ay kalamunggay, kale at mango blend smoothie. Naghanda rin siya ng avocado at egg toast na talaga namang nagustuhan ni Baby Lilo at ng ama nito.

Bagamat hindi niya kasama ang kaniyang panganay na anak na si Ellie dahil nasa siyudad ito kasama ang kaniyang ama ay patuloy pa rin siyang naghahanda para sa araw na makakasama niyang muli ang kaniyang panganay na anak. Sa ngayon ay sinusulit na rin niya muna ang kaniyang oras kasama ang kaniyang bunsong anak at nobyo nitong si Philmar.




error: Content is protected !!