Batang nagtitinda ng camote cue, matapat na ibinalik ang cellphone ng isang babae!



Katapatan, isa na marahil ito sa mga bagay na pinakahahangad nating taglayin ng marami sa atin. Nakakalungkot lamang talagang isipin na sa panahon natin ngayon ay mas marami na ang mas pipiliin na gumawa na lamang ng hindi maganda, kaysa naman mahirapan o magutom sila at ang kanilang pamilya.


Ngunit kahit pala sa kabila ng maraming mga pagsubok at paghihirap sa buhay ay mayroon pa ring mga tao na talaga namang isinasabuhay ang pagiging matapat sa lahat ng oras. Katulad na lamang ng batang babae na ito na nagtitinda ng camote cue.



Kinabiliban siya ng publiko nang mag-viral ang kaniyang kwento mula sa post ng netizen na nagngangalang “Jam Loresto”. Inilarawan niya bilang “A Beautiful Angel on the Street” si Donna Mae Aguilar o mas kilala bilang si “Ganda” na nakatira sa may tulay ng Barangay Banuyo, Pilar, sa Sorsogon dahil sa pagiging matapat nito.


Siya kasi ang nagsauli ng cellphone na nawala ni Jam. Sa edad na 12 taong gulang ay nakakabilib ang pinamalas na katapatan ni Donna Mae. Ayon sa ilang mga ulat ay nag–aaral siya sa Binanuahan Elementary School. Kahit pa mahirap ang magbanat ng buto ay hindi ito sinukuan ng bata dahil sa wala na ang kaniyang ama habang ang kaniyang ina naman ang nag-aalaga sa iba pa niyang mga kapatid.


Dahil sa kaniyang ginawa ay binigyan siya ng kaunting tulong ng may-ari ng cellphone, kaunting mga damit at nang isang laruan na talaga namang ikinatuwa niya. Hindi lamang siya huwaran sa pagiging matapat ngunit talaga namang kabibiliban mo rin ang kaniyang kasipagan at ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang pamilya.


Tiyak na magiging napakagandang huwaran ni Donna para sa iba pang mga kabataan at maging sa mga matatanda na rin na tila hindi na pinapahalagahan pa ang mga ganitong klase ng pag-uugali sa panahon natin ngayon.





error: Content is protected !!