100 na mga batang ulila at palaboy sa daan, inampon ng monghe na ito!



Biyaya ang pagkakaroon ng mga anak ngunit mayroon pa ring mga tao na talaga namang iresponsable at walang wastong disiplina upang abandunahin at ulilalin ang ilan sa mga kawawang bata na ito. Mayroon namang ilang mga bahay-ampunan na kumukupkop sa mga batang ito na ulila at palaboy na lansangan.



Ngunit hindi sapat ang mga ito dahil sa dami ng mga batang inabandona na nangangailangan ng sapat na kalinga at pag-aaruga. Sa kabila ng masakit na katotohanang ito ay mayroon pa ring mga mabubuting tao na hindi nagdadalawang-isip na tulungan ang mga batang ito.


Tulad na lamang ni Long Po. Siya ay isang monk o monghe sa Thailand. Naging misyon na niya ang pagkalinga at pag-aaruga sa mga batang inabandona ng kanilang mga magulang. Ayon na rin sa ulat ng Sin Chew Daily, sa halos 20 taon ay halos mahigit 100 na mga bata na ang kaniyang kinupkop. Dahil sa kaniya ay nagkaroon ng matutuluyan at makakain ang mga batang palaboy sa daan at wala nang mga magulang.


Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga bata na ito na magkaroon ng maayos na edukasyon at kasuotan. Maraming mga netizens ang talaga namang namangha at bumilib sa monghe na ito dahil kahit pa nga hindi nita kadugo ang mga batang ito ay buong puso pa rin ang naging pagtulong niya sa mga ito.

Isa sa mga bata na kaniyang inaalagaan ay ang batang nasa 4 hanggang 5 taong gulang na mayroong kapansanan sa kaniyang pag-iisip. Wala na itong mga magulang kung kaya naman naging napakahirap ng kalagayan at pamumuhay nito.



Dahil sa batang ito ay nagbalik sa alaala ni Long Po ang naging pag-aaruga at pagmamahal sa kaniya ng kaniyang ina noong bata pa siya na walang ibang ginawa kundi ang alagaan silang mgakakapatid. Tunay nga na napakagandang halimbawa ng busilak na pusong ito ni Long Po para sa mga batang nangangailangan ng paggabay at pagmamahal ng kanilang mga magulang na dapat sana ay kasa-kasama nila habang sila ay mga musmos pa lamang.




error: Content is protected !!