Batang babae nagsuot ng “trash bag at plastic bottle suit” upang mayakap at batiin ang kaniyang frontliner na ama na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan!



Sabi nila, ang pagiging isang magulang daw ay hindi ganoon kasimple at hindi rin ganoon kadali. Dahil sa katunayan, kapag naging isang magulang ka na ay hindi na maaaring puro sarili mo na lamang ang iyong iisipin.


Hindi mo maaaring pabayaan ang iyong sarili dahil sa simula ng naging isang magulang ka ay mayroon nang isang buhay o higit pa na umaasa at nakadepende na sa iyo. Masarap ang pakiramdam na maging isang magulang, hindi ito kayang isalarawan ng mga salita lamang.



Ngunit mayroon din itong kaakibat na mabigat na mga resposibilidad at tungkulin. Ang mga magulang ang siyang inaasahang gumabay, magmahal, sumuporta at magpalaki sa kaniyang mga anak.

Anuman ang pagsubok na kaharapin ng mga magulang na ito ay tiyak na gagawin nila ang kanilang makakaya upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak. Dahil sa pandemyang COVID-19 ay maraming mga frontliners ang kinakailangang dumistansiya muna sa kanilang mga pamilya dahil sa maaari silang maging dahilan ng pagkahawa at pagkalagay ng kanilang mga buhay sa panganib.



Tulad na lamang ng post na ito na ito ni Joly Marie Garces Masa kung saan maraming mga netizens ang naantig sa mag-ama na ito kung saan makikita sa kanilang mga larawan ang napakasakit na katotohanan na kinakaharap ng maraming mga Pilipino sa ngayon. Sundalo ang mister ni Joly at isang frontliner.

Dahil sa kaarawan ng kaniyang asawa ng araw na iyon ay ninais ng kanilang anak na si Ali na makausap man lamang ang ama kahit 3 minuto lamang. Inabot din ni Ali ang kaniyang ginawang sulat para sa bayaning ama. Mahirap ang kalagayan ng bata dahil sa suot suot nitong plastik ng basura o black bag kung tawagin at plastik na bote, naging proteksyon ng bata upang hindi mahawa ng nakakatakot na sakit na COVID-19.



Talaga namang nakakaantig sa damdamin at napakasakit makakita ng ganitong klase ng sitwasyon ng isang pamilya. Kung kaya naman sana ay mas maging responsable at disiplinado ang madaming mga Pilipino dahil sa hindi natin mapagtatagumpayan ang krisis na ito kung hindi tayo magkakaisa.




error: Content is protected !!