Batang laki sa hirap noon, lisensyadong guro na ngayon dahil sa 4Ps ng DSWD!



Tunay nga na mahirap talaga ang buhay ng maraming mga pamilyang Pilipino sa ating bayan. Noon pa man ay napakalaking pagsubok na ang pagkakaroon ng magandang edukasyon lalo na sa mga taong hirap talaga sa buhay.



Kung kaya naman marami sa kanila ang nakuntento na lamang sa kahit anong trabaho na kaya nilang pasukan. Hindi nila alintana ang hirap at sakripisyo nila sa araw-araw mayroon lamang silang kitain na pera para sa pagsuporta nila sa kanilang pamilya.

Ngunit kahit gaano pa kahirap at ka-imposibleng magtapos ng pag-aaral ay talaga namang hindi nagpatalo at nagpagapi si Mariemel Domingo. Laking pasasalamat niya sa programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil dito ay nakapagtapos siya ng pag-aaral at ngayon ay isa na siyang lisensyadong guro.



Kamakailan lamang ay ibinahagi niya ang kwento ng kaniyang tagumpay sa kaniyang social media account. Ayon sa kaniyang post ay isang drayber ng traysikel ang kaniyang ama habang nasa bahay lamang ang kanyang ina.


Batid niyang mahirap talaga ang buhay lalo na at hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral ang kaniyang mga magulang ngunit sa halip na panghinaan ng loob at sumuko na lamang ay naging mas determinado pa siyang magpursigi at magpagal sa kaniyang pag-aaral. Dagdag pa niya, siya ay naging isa sa mga miyembro ng 4Ps noong siya ay nasa sekundarya pa lamang at dahil dito ay naging bahagi rin siya ng Expanded Students’ Grants-In-Aid Program for P0verty Alleviation ng naturang ahensya.

Dahil na rin sa mga tulong na ito mula sa gobyerno ay libre na ang kaniyang matrikula bukod pa sa natatanggap niyang pambili ng kaniyang mga aklat sa para sa eskwela. Maging ang kaniyang gastusin para sa Review Center ay sinagot na rin ng DSWD.

Sa ngayon ay isa na siyang lisensyadong guro. Kung kaya naman walang humpay ang kaniyang pasasalamat sa gobyerno at maging sa kaniyang mga magulang at sa mga taong sumuporta sa pag-abot niya sa kaniyang mga pangarap.

Liban pa sa mga ito ay lubos ang kaniyang pasasalamat sa Diyos sa naging paggabay sa kaniya at sa mga pagpapala na kaniyang nakakamit hanggang sa ngayon.

“In return for the assistance I received, I put focus on my studies and make sure to graduate for me to show that I am deserving to be part of the program, and of course to my family who serves as my motivation.” Pahayag ni Mariel.




error: Content is protected !!