Categories: Viral

Estudyanteng nabuntis sa edad na 18 nagin mapagtiis sa panghuhusga ng mga tao, ngayon ay nakapagtapos na at isa nang ganap na medtech!

Hindi madali ang pagiging isang ina. Hindi biro ang mga bagay na iyong pagdaraanan mula sa pagbubuntis, panganganak, at maging sa pagpapalaki ng iyong magiging supling. Tunay nga na napakagandang biyaya ng pagiging isang ina sa maraming mga kababaihan.

Ngunit hindi lahat ay nagiging isang ina sa tama at perpektong pagkakataon. Batid din naman ng marami sa atin ang maagang pagbubuntis ng ilang mga kabataan na dapat sana ay mga nag-aaral pa lamang.


Tulad na lamang ng naging karanasan ni Zianne Tremedal na sa edad na 18 taong gulang ay nabuntis ng maaga. Sa ngayon ay 21 taong gulang ba siya. Bagamat maraming mga tao ang humusga at nangmaliit sa kaniya ay hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang pangangarap sa buhay. Isa na sa mga pangarap niyang ito ang makapagtapos ng kaniyang pag-aaral.


Hindi lamang ito para sa kaniyang magiging anak, sa kaniyang sarili bagkus ay para sa kaniyang mga magulang. Nais niyang maibalik man lamang sa kaniyang mga magulang ang lahat ng mga pagsasakripisyo ng mga ito sa kaniya upang makapagtapos siya ng pag-aaral at ang pag-aalaga ng mga ito sa kaniyang anak.


Nag-aaral siya noon sa Southwestern University sa Cebu City bilang third year student nang malaman niyang dalawang buwan na siyang buntis. Nang pumunta siya sa isang malapit na klinika ay doon niya unang narinig ang tibok ng puso ng kaniyang sanggol sa kaniya mismong sinapupunan.

Kahit pa naging mahirap sa kaniya ang malayo sa kaniyang anak habang ipinagpapatuloy niya ang kaniyang pag-aaral dahil sa ang kaniyang mga magulang ang nag-aalaga sa kaniyang anak ay mas naging matatag siya at determinado sa buhay. Hindi rin siya napagod na magpadala ng kaniyang gatas para sa kaniyang sanggol.

Ayon sa kaniya ay nagpapump siya habang nag-aaral. Ang lahat ng kaniyang pagtitiis ay napalitan ng tagumpay at kaligayahan dahil sa Abril 2018 ay nakamtan na rin niya ang kaniyang Medical Technology Degree.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago