Kris Bernal nagdonate sa animal welfare organization at Taal evacuees ng kauna-unahan niyang kita sa kaniyang YouTube Channel!



Si Kristine Ann Tan Bernal o mas nakilala ng publiko bilang si Kris Bernal ay 30 taong gulang na aktres na una nang nakilala ng maraming mga Pilipino sa ikaapat na season ng reality-based talent search ng GMA Network na “StarStruck”. Isa sa mga hinangaang proyekto ng aktres ay ang “Impostora” kung saan gumanap siya bilang Rosette at Nimfa.



Isa siya sa mga hinahangaang aktres ng Kapuso network at talaga namang natatangi ang kaniyang mga pagganap sa mga ginagawa niyang pelikula at programa sa telebisyon. Nito lamang Pebrero 2020 ay ikinatuwa ng marami niyang mga tagahanga at tagasuporta ang engagement nila ng kaniyang long time boyfriend na si Perry Choi.


Muli ay napamangha na naman niya ang publiko dahil sa kaniyang pagtulong sa mga animal welfare organization at maging sa mga Taal evacuees. Bukod sa pagiging mahusay na aktres ay pinasok na rin niya ang isa sa pinakapatok ngayon sa katulad niyang sikat na personalidad, ang vlogging.

Sinong mag-aakala na parang kamakailan lamang nagsimula ang aktres sa kaniyang YouTube channel? Dahil dito ay nakatanggap na si Kris ng Silver Play Button Award dahil sa pag-abot niya ng 100,000 subscribers.



Sa latest na vlog ng aktres ay labis siyang nagpasalamat sa mga taong sumusuporta sa kaniya. Kung kaya naman napagdesisyunan niyang ipamahagi ang kauna-unahan niyang sweldo sa vlogging para sa mga tao at mga hayop na nangangailangan.

Tumulong siya sa ilang mga animal welfare organization dahil sa certified animal lover talaga si Kris at maging ang kaniyang ina na tumulong din naman sa kaniyang maisakatuparan ang kaniyang nais. Matapos nito ay tumulong din ang aktres sa ilang mga taong naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal noong Enero lamang.



Namahagi siya roon ng mga hygiene kits at grocery packs para sa mga Taal evacuees na personal niya mismong dinala sa nasalantang lugar. Tunay nga namang hindi lamang maganda sa panlabas na anyo ang aktres dahil sa maganda at busilak din ang kaniyang puso upang tumulong sa mga nangangailangan.




error: Content is protected !!