Mister ng dating aktres na si Niña Jose, isa pa lang bilyonaryo!



Hindi maipagkakaila na masayang-masaya at kuntento na sa ngayon ang dating aktres na si Niña Jose o Mary Claire Jose sa piling ng kaniyang pamilya at ng kaniyang mister na si Bayambang, Pangasinan Mayor Cezar T. Quiambao. Ayong sa ilang mga ulat, si Niña Jose ay unang napanuod sa sikat na reality show ng ABS-CBN, ang Pinoy Big Brother: Teen Edition 1.


Ilan sa mga nakasama niya sa naturang programa sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Nang mapalabas na siya ng “Bahay Ni Kuya” ay agad naman itong nagpatuloy sa kaniyang pag-aartista.




Ilan sa mga nagawa niyang proyekto sa telebisyon at pelikula ay ang Da Adventures of Pedro Penduko at My Girl. Gayundin naman ay naging bahagi rin siya ng Shake, Rattle, and Roll X, Desperadad 2, at Mano Po 6.


Talaga namang hinangaan ng publiko ang napakaganda niyang mukha at gayundin naman ang kaniyang nakakabighaning pangangatawan. Sino nga ba naman ang mag-aakala na makakapangasawa pala siya ng isang bilyonaryo?



Sa ngayon ay abalang-abala siya sa pag-aalaga ng kanilang tatlong taong gulang na anak na si Antonio at pagiging Chairperson ng Local Council of Women (LCW).

Ang kaniyang mister na si Mayor Quimbao ay mula sa isang mayamang pamilya sa Pampanga at kasalukuyang CEO ng Stradcom Corporation na isa sa pinakamalaking IT company sa Pilipinas. Sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad ay talaga namang makikita sa kanilang mga mata ang wagas na pagmamahal para sa isa’t-isa.



Tunay nga na marami na rin ang nagbago buhat ng iwanan ni Niña Jose an magulo at maingay na mundo ng show business. Bagamat maraming nagsasabing masyadong malaki ang agwat ng edad sa pagitan nilang mag-asawa ay masayang-masaya naman ang aktres dahil sa nais niya talagang makapangasawa ng lalaki na mas mature at masarap kausap kaysa sa iba pang mga lalaki na kaedad niya.




error: Content is protected !!