Scarlet Snow Belo nagkaroon ng auction para sa kaniyang mga drawing upang makalikom ng pondo upang makagawa pa ng maraming test kits ang mga siyentipiko



Kamakailan lamang ay lalo pang pinamangha ni Scarlet Snow Belo ang maraming mga Pilipino dahil sa pagkakaroon niya ng auction para sa kaniyang mga drawing upang makalikom pa ng pondo na magiging malaking tulong para sa mga siyentipikong Pilipino sa paggawa nila ng mas marami pang test kits. Sa kaniyang official Instagram account ay ibinahagi ni Scarlet Snow ang 11 sa kaniyang mga artworks.


Ayon sa kaniya, ginawa niya ang mga guhit niyang ito sa isang live art session. Ang kaniyang nakatatandang half-brother na si Quark Henares ay makikilahok din sa naturang auction.



Ang malilikom na pondo sa auction na ito ay mapupunta sa “Philippine Genome Center and Research Institute of Tropical Medicine”.


“The money that will be raised will go to the Philippine scientists at Philippine Genome Center and Research Institute of Tropical Medicine. They’re trying to make test kits and they need our help.” Pahayag ni Scarlet.

Dagdag pa ni Scarlet, kung sinuman ang nagnanais na makabili ng isa sa kaniyang mga artwork ay maaaring mag-bid sa comment section ng kaniyang Instagram post. Samantala, mula pa noong Marso 24 ay nagpapamahagi na ng 1,000 mga meals araw-araw ang kaniyang ina na si Vicki Belo katuwang ang “Belo Medical Group” sa ating mga frontliners.


Nakapagbigay na sila ng mga pagkain sa Tondo Medical Center, San Lazaro Hospital at sa University of Santo Tomas Hospital. Nagbabahagi rin sila ng mga pagkain sa ilang mga medical centers sa San Juan, Manila, Pasig, Taguig, Makati at Quezon City.



“The resilience, and dedication of our front liners have inspired all of us to care for our community, and to value our commitment in helping others in various ways,” Pahayag ni Dra. Belo.

Si Scarlet Snow Belo ay ang cute na cute at bibong anak ng celebrity doctors na sina Dra. Vicki Belo, at Hayden Kho. Siya ay limang taong gulang na at talaga namang mahal na mahal siya ng maraming mga Pilipino dahil sa kaniyang pagiging mabait na bata na huwaran sa marami pang mga kabataang Pilipino sa ngayon.




error: Content is protected !!