Unica Hija ng mag-asawang Aga Muchlach at Charlene Gonzales na si Atasha Muchlach, isa nang ganap na dalaga!



Marahil kahit na mga Millennials o Generation Y sa ngayon ay kilalang-kilala si Aga Muchlach. Sino nga ba naman ang hindi makakakilala sa matinik na “babe magnet” at matinee idol ng show business industry.


Si Ariel Aquino Muhlach o mas nakilala ng publiko bilang si Aga Muchlach ay 50 taong gulang na product endorser at multi-awarded actor. Binata pa lang ay talaga namang tinitilian na siya ng maraming mga kababaihan.




Ngunit ang nagwagi sa lahat ay walang iba kundi ang kaniyang misis na si Miss Universe Philippines Charlene Gonzales. Naging napakaganda ng kanilang buhay pag-ibig dahil ayon sa ilang mga ulat ay na-engage muna ang dalawa bago pa man sila maging opisyal na magkasintahan.


Nang magpakasal na sila at nagsimulang bumuo ng pamilya ay biniyaan sila ng anak na kambal. Sina Andres at Atasha Muchlach. Bata pa lamang ay talaga namang kapansin-pansin na ang kagandahan at kagwapuhan ng dalawa. Sa ngayon ay 19 na taong gulang na sila.



Manang-mana sila sa kanilang mga magulang. Tiyak na mayroong lugar sa show business ang dalawa ngunit mas pinili ni Atasha na unahin at magpokus sa kaniyang pag-aaral. Sa United Kingdom ito magkokolehiyo. Habang si Andres naman ay sa United States.

Ito ang unang beses na sila ay mahihiwalay sa kanilang mga magulang. Dahil dito ay mas sinulit pa ng pamilya ang kanilang oras nang magkakasama bago pa man tuluyang umalis ng bansa si Atasha para sa kaniyang pag-aaral.



Naging abala si Aga sa kaniyang mga ginawang proyekto at pelikula noong mga nagdaang buwan ngunit talaga namang nakakamangha na nagawan pa rin niya ng paraan ang lahat at nakapaglaan pa rin siya ng oras at panahon sa kaniyang pamilya. Tunay nga na walang mahirap na bagay kung nanaisin natin na maglaan ng oras para sa ating mga mahal sa buhay.

Nakakalungkot man na malalayo ang mga anak sa kanilang mga magulang ay marami naman itong aral na maitutulong sa kanila upang mas maging mature at independent sila sa kanilang paglaki.






error: Content is protected !!