Ara Mina nagpamahagi ng mga cake at cupcake para sa ating mga frontliners!



Si Hazel Pascual Reyes o mas nakilala ng publiko bilang si Ara Mina ay 40 taong gulang na aktres, endorser, entrepreneur, at singer. Ang kaniyang kapatid na si Cristine Reyes ay isa ring kilalang artista.


Siya ay mayroong isang anak kay Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na pinangalanan nilang Amanda Gabrielle. Kamakailan lamang ay kinabiliban siyang lalo ng kaniyang mga tagasuporta at tagahanga dahil sa kaniyang ginawang pagtulong sa ating magigiting na mga front liners.



Nagbahagi ng “appreciation post” ang aktres para sa mga bayani nating healthcare workers at mga pulisya. Ibinahagi din naman ni Ara noong Abril 14 na siya ay nagbe-bake ng mga cake at cupcakes para sa mga “frontliners on duty” sa Pasig, Pampanga, Quezon City, at Rizal.


Si Ara Mina ay may-ari din ng “Hazelberry Café” kung kaya naman hindi na nakapagtataka na masasarap ang mga ginagawang niyang pastries. Maraming mga netizens ang talaga namang bumilib sa aktres.
“First week of ECQ (enhanced community quarantine), I was able to bake some cupcakes, cakes and we sent some food for our frontliners in Pasig Doctors Medical Center, AFP Medical Center, Angeles Pampanga Police Station 5 (near Hazelberry in Pampanga) as well as police and military officers in San Mateo, Rizal checkpoint. Just a little something for our heroes. Thank you to our frontliners, we salute you!” Pahayag ng aktres.


“My partner and I were also able to share some groceries to our employees. Thank God for providing. Tulungan lang po tayo hangga’t sa makakaya. We’re giving our best effort. Donating also to some friends na nagreraise ng funds. Still thinking of how we can help pa while still working from home for Hazelberry para kahit papaano may maitulong pa tayo sa ating kapwa. We can do this every one!” Dagdag pa niya.

Tunay nga namang kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ng ating mga front liner lalo na kung batid nilang mayroon pa ring mga tao tulad ni Ara Mina na nakakakita ng kanilang kahalagahan lalo na sa ganitong uri ng sitwasyon.






error: Content is protected !!