Lalaking madiskarte, hinangaan ng publiko dahil sa panahon ng krisis ay mayroon siyang sariling ipon at perang pangsuporta sa kaniyang pamilya!



Paano nga ba natin maisasalarawan ang pagiging matagumpay ng isang tao? Ito ba ay nakadepende sa kung ano at ilang mga kurso ang kaniyang tinapos?

Kung ano na ang kaniyang trabaho sa ngayon o di kaya naman ay ang estado ng kaniyang pamumuhay? Masasabi din ba nating matagumpay ang isang taong nagkaroon ng masayang pamilya nang medyo maaga kaysa sa mga kaedaran nito?



O di kaya naman ay masasabi nang matagumpay ang isang taong maraming salapi o mga ari-arian? Marahil ay mayroon nga tayong kaniya-kaniyang pakahulugan sa salitang tagumpay.


Ngunit ang pagtatagumpay ng bawat isa sa atin ay tiyak na nakasalalay sa ating mga sarili at kung paano natin maisasakatuparan ang ating mga pangarap. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng maraming mga netizens ang isang lalaki dahil sa post nito patungkol sa isa sa pinakamainit na usapin ngayon sa bansa.


Marahil ay hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami ang patungkol sa ayudang ibinibigay ng ating gobyerno sa ngayon sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino. Bagamat milyon-milyong Pilipino ang apektado ng pandemya na ito ay nananatiling limitado lamang ang mga taong maaaring pagkalooban ng pamahalaan ng pinansyal na tulong.




Kung maraming mga mahihirap na Pilipino ang naghahain ng kanilang mga hinaing dahil sa kinakaharap nating krisis sa ngayon sa social media man o sa telebisyon, mayroon namang ilang mga Pilipino ang talagang nagsusumikap upang magkaroon sila ng maayos na buhay at hindi umaasa lamang sa tulong ng ibang tao o ng ating pamahalaan. Isa na marahil sa mga ito ang netizen na si Reynaldo Pepito.

Agad na nag-viral ang kaniyang post patungkol sa naging diskarte niya sa buhay kung kaya naman sa ngayon ay hindi sila hirap sa buhay at hindi nila kailangang umasa sa kanino man upang magkalaman ang sikmura nilang mag-anak. Bagamat ilan sa mga netizens ang nayabangan sa kaniyang post ay marami pa rin naman ang bumilib sa kaniya dahil sa pambihira niyang diskarte sa buhay.



Makikita rin sa kaniyang post ang ilang mga larawan ng mga perang papel at ilang mga larawan ng kaniyang pinagkakakitaan. Mapapansin sa mga larawang ibinahagi ni Reynaldo ang napakaraming mga ani ng pinya, durian at pakwan. Mayroon din siyang junk shop kung saan binibili ang mga kalakal tulad ng mga lata, bote, karton, bakal at marami pang iba.




error: Content is protected !!