Matandang babae, hindi napigilang humagulgol sa pag-iyak ng hindi siya bigyan ng pinansyal na tulong mula sa SAP dahil sa kaniyang konkretong bahay!



Sa ngayon, maraming mga Pilipino ang talaga namang nahihirapan sa kanilang mga sitwasyon dahil sa krisis natin sa COVID-19. Dahil sa ipinatupad na “enhanced community quarantine” o ECQ sa maraming mga lugar sa bansa ay maraming mga negosyo at esyabliyemento rin ang pangsamantalang nagsara.

Dahilan upang mawalan ng trabaho at pagkakakitaan ang maraming mga Pilipino. Malaking tulong ang natatanggap na relief packs ng ilang mga Pilipino mula sa mga lokal na pamahalaan at mula sa gobyerno.



Ngunit batid naman ng marami sa atin na mahirap talaga itong pagkasyahin lalo na kung mayroon kang malaking pamilya at wala ka talagang inaasahan kundi ang iyong trabaho na pangsamantala munang nawala. Kung mayroong mga manggagawang Pilipino na nahihirapan sa krisis na ito ay mayroon din namang mga matatanda, mga PWDs, mga buntis, at mga solo-parent na nangangailangan din ng tulong lalo na sa kanilang pinansyal na pangangailangan.
Agad naman itong binigyang solusyon ng pamahalaan at marami sa kanila ang nabigyan na ng tulong ng pamahalaan sa tulong na rin ng Social Amelioration Program (SAP) na mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa tulong ng local government units (LGUs). Ito ay magbibigay ng tulong sa mga taong kabilang sa “poorest of the poor” at makakatanggap ng mula P6,000 hanggang P8,000.

“The Department emphasized that the government wants to help all families affected by the crisis to receive the social amelioration programs but priority will be given to the poor and those at risk of not earning income during this quarantine period. The Department urges families to stay at home as help is already on the way to ensure that they can meet their daily food needs during this time of public health emergency.” Pahayag ng DSWD.


Sa post ng isang netizen na nagngangalang Maricon Destacamento Reboquio ay tinatawagan niya ng pansin ang DSWD Region VII dahil sa hindi napagkalooban ng naturang tulong ang kaniyang ina d ahil sa ang bahay nito ay gawa sa bato! Ang matanda ay nakilala bilang si Dativa Escala, 81-anyos at nakatira sa Sitio Bia-as, Brgy Sungko, Bantayan, Cebu.


Ayon sa DSWD ay hindi na binigyan pa ng pinansyal na tulong ang matanda dahil sa mayroon pa namang mga anak ito na susuporta sa kaniya kahit pa nakasama na siya sa listahan. Iginiit din ng naturang ahensya na ibibigay na lamang nila ito sa taong mas nangangailangan.




error: Content is protected !!