Pamamahagi ng mga “libreng groceries” para sa mga “upper class Malaysians”, umani ng mga batikos at negatibong komento!



Tunay nga na hindi simple at hindi madali ang pinagdaraanan ng maraming mga bansa sa buong mundo ngayon dahil sa pandemyang COVID-19 na patuloy na kumikitil ng maraming mga buhay at nagdudulot ng sakit sa karamihan. Ngunit kahit pa gaano kahirap at kalala ang ating sitwasyon sa ngayon ay talaga namang mayroon pa ring mga taong handang tumulong sa kanilang kapwa.



Ngunit sadyang ibang usapan na rin talaga kung sa mga tunay na ngangailangan nga ba napupunta ang mga tulong na ito. Kamakailan lamang ay napansin ng publiko ang mga larawang ibinahagi ng Facebook Page na “We Are Malaysians” na talaga namang umani ng napakaraming mga negatibong komento at pangbabatikos.

Ito ay dahil sa ang kanilang “act of charity” na pamamahagi ng mga libreng groceries ay ibinigay nila sa mga taong mayroong magaganda at magagarang tahanan! Bukod sa mga magagandang tahanan na ito na inaabutan nila ng mga libreng pagkain ay mayroon ding isa o higit pang mga sasakyan ang mga ito sa kanilang garahe.



Napakaraming mga netizens ang nagkomento na kung maaari ay sa mga totoong nangangailangan na lamang sana nila ibinigay ang kanilang mga donasyon at hindi na sa mga taong mayroon namang kakayanan sa buhay. Mayroon namang isang netizen na nagkomento na ang mga groceries na ito ay mula sa “Tawau Division of Dap”.

“These are care packages dispatched by YB Jimmy Wong’s team from Sri Tanjung. YB was chosen by the people, it is part of his responsibility to take care of the community. Before this incident, YB’s team went around flats and villages to give out care packs. Just because some of us live in a bigger house, does this mean we do not have the right to receive them?” Pahayag ng naturang netizen.


Ayon naman sa iba pang mga netizens, dapat pa nga bang tanggapin ng mga taong nakatira sa mga magarang bahay na ito ang mga libreng groceries na ibinibigay sa kanila kung alam nila sa kanilang mga sarili na mayroon naman silang kakayanang bumili ng kanilang mga pangangailangan at mas marami pang mga tao ang talagang mas nangangailangan ng mga ito?






error: Content is protected !!