Sharon Cuneta, pinuri ang kaniyang adopted son na si “The Hungry Syrian Wanderer” dahil sa pagtulong nito sa mga Pilipino!



Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay 54 na taong gulang na aktres at mang-aawit. Kilala rin siya bilang ang “Megastar” ng show business industry sa bansa.

Isa siya sa pinakamatagumpay na personalidad sa show business hanggang sa ngayon ay hindi pa rin maipagkakaila ang kaniyang kasikatan. Sa katunayan ay nakagawa na siya ng 53 na mga pelikula, 10 television shows, at nakapagrecord ng 40 albums.




Isa rin siya sa pinakamaraming na-endorsong produkto sa mga TV commercials. Nakapag-uwi din siya ng 10 mga awards at 23 mga nominasyon bilang isang aktres sa mga award-giving bodies tulad na lamang ng FAMAS Award at Golden Screen TV Awards.


Naging multiple Awit Award nominee na rin siya at nagwagi ng “Best Performance by a Female Recording Artist” noong taong 1993 sa kaniyang awiting “Ngayon at Kailanman”. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan na namang muli ang pangalan ng batikang mang-aawit.


Ito ay dahil sa mga magagandang papuru niya sa sikat na vlogger na si Basel Manadil o mas kilala ng maraming mga netizens bilang si “The Hungry Syrian Wanderer”. “Adopted Son” kung ituring ni Megastar ang sikat na vlogger na talaga namang napamangha ang batikang aktres dahil sa nakakamangha nitong pagtulong at pagmamalasakit sa maraming mga Pilipinong nangangailangan. Narito ang naging pahayag ni Ate Shawie sa kaniyang Instagram post patungkol sa kaniyang adopted son na si Basel.


“I’ve made friends with a few other YouTubers. Some are here, some non-Pinoy. You must visit and watch the vlogs of my new ‘adopted son,’ Basel of @thehungrysyrianwanderer. He is from Syria and has lived in Manila for around 7 years now. You will be touched by his heart to help his ‘kababayans’ in his adopted country.” Pahayag ng Megastar.


“Mapapahiya ka kung Pilipino ka at wala ka man lang natutulungan kahit isang tao. Siya pang foreigner ang tulong nang tulong. We have been in touch for about a month now. He has an Instagram account too but please watch his YouTube vlogs.” Komento pa ni Sharon.


“Good job, son! God will bless you more and more. You have a beautiful heart. Thank you for loving all of us Filipinos! Lots of love, Inay.” Dagdag pa niya.






error: Content is protected !!