Customer ipina-cancel ang order niyang P7,000 dahil sa natagalan ang Angkas Delivery Rider sa pagpila para rito!



Upang mapigilan ang lalo pang paglaganap at paglobo ng bilang ng mga taong nahahawa ng sakit na COVID-19 ay marami nang mga establisyemento ang talaga namang mas naghihigpit pa sa pagpapairal ng “social distancing” at ng iba pang mga paraan upang hindi na lumala pa ang sitwasyon na kinakaharap natin sa ngayon.



Dahil na rin sa mga naging pagbabago na ito ay mas naging mabagal ang serbisyo ng maraming mga negosyo at mas maraming mga tao ang kinakailangang maghintay sa mahahabang mga pila upang mabili lamang ang kanilang kinakailangan.

Tulad na lamang ng mga riders ngayon na abala sa pagtulong sa mga taong nangangailangan ng kanilang serbisyo. Isa na marahil sa mga ito ay ang pagbili ng mga pagkain, gamot o iba pang mga pangangailangan.


Ngunit kamakailan lamang ay ikinagalit ng maraming mga netizens ang naranasang ito ng isang Angkas Delivery Rider. Dahil lamang sa naipit sa napakahabang pila ang naturang rider ay kinansela ng kaniyang customer ang order nito na nagkakahalaga ng P7,000.



Ayon sa ibinahaging post ng isang netizen na nagngangalang Shiela Tibay sa orihinal na post ng “Pilipinas Trending Viral”, ang rider na ito ay nakilala sa pangalan na Kuya Aldwin na matiyagang pumila ng mahaba para lamang makakumpleto ang mga ipinapabili sa kaniya ng kaniyang customer na diumano ay handang maghintay o “willing to wait” hanggang matapos niya ang kaniyang pamimili. Matapos nang matagal na pamimili at pagpila upang mabayaran ang lahat ng kailangan ng kaniyang customer ay agad itong umalis at inihatid na sa customer ang kaniyang mga order.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay agad na kinansela ng customer ang kaniyang mga ipinabili sa kawawang rider. Nais sana itong ipa-refund ni Kuya Aldwin ngunit hindi ito pinahintulutan ng drugstore na kaniyang pinagbilhan.



Wala na siyang nagawa pa kundi iuwi na lamang sa kaniyang pamilya ang P7,000 halaga ng mga gamot at iba pang produkto na karamihan ay hindi rin naman talaga magagamit ng pamilya. Talaga namang hindi makatarungan ang nangyari sa rider kung kaya naman umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang post na ito.




error: Content is protected !!