Isang anak proud na proud sa kaniyang ama na mayroong “Down Syndrome”, kwento nila nagsilbing inspirasyon sa marami!



Maraming mga tao ang hindi makapaniwalang mayroong “Down Syndrome” ang ama ni Sader Issa. Ngunit sa kabila nito ay talaga namang proud na proud pa rin ito sa kaniyang ama na si Jad.



Ayon kay Sader na isang estudyante na kumukuha ng Dentistry sa Syria, talaga namang naramdaman niya ang wagas na pagmamahal ng kaniyang ama sa kaniya at batid nitong sinikap ng kaniyang ama na maging masaya at maayos ang kaniyang paglaki tulad nang marami pang mga bata. Maaaring nakakagulat itong malaman dahil sa kadalasan ay parang bata na rin ang tingin at trato natin sa mga taong mayroong ganitong kondisyon.


“I’m proud of my father. Throughout my life he has been the greatest support for me when I needed it,” Buong pagmamalaking pahayag ni Sader.

Pagkukwento pa ni Sader, nagtrabaho ang kaniyang ama sa isang “gilingan” na malapit sa kanilang tahanan upang masuportahan ang kaniyang maliit na pamilya. Kahit noon pang bata pa si Sader ay talaga namang mataas na ang respeto ang pagtingin nito sa kaniyang ama.



Proud na proud din naman ang kaniyang ama sa kaniyang anak. At ngayon nga na nag-aaral nang maging isang dentista si Sader ay madalas sabihin ni Jad sa mga tao na ang kaniyang anak ay magiging isa nang doktor.



“It’s possible to see when his eyes are filled with joy and satisfaction, as if to express: ‘Yes, I have Down syndrome, but I raised this man and did everything in my power to make him become a doctor and help others,’” Dagdag pa ni Sader.

Ibinahagi rin nito na hindi madali ang pagkakaroon ng isang ama na mayroong “Down Syndrome” ngunit sa kabila nito ay napalaki pa rin ni Jad ang kaniyang anak na si Sader na isang responsable at mabuting anak. Tunay nga na hindi natin dapat husgahan ang ibang tao dahil lamang sa kanilang kondisyon o di kaya naman ay sa pisikal nilang anyo.



Mas mabuting bigyan natin sila ng pagkakataong maipakita ang kanilang abilidad. Dahil tulad natin ay mayroon din silang pakiramdam at isipan.




error: Content is protected !!