Pamilya, bigla na lamang naglaho! Alagang aso naiwang nag-iisa at walang pagkain!



Isang mabait na pamilya sa Malaysia ang nagpapakain sa ngayon ng alagang aso ng kanilang kapitbahay. Ito ay matapos na bigla na lamang naglaho at hindi na nakita pa ang pamilyang naninirahan sa naturang bahay.


Naiwan na lamang ang kawawang aso nang mag-isa at wala man lamang anumang pagkain o tubig sa loob ng ilang mga araw. Ayon sa ilang mga residente doon ay maaaring nasa ospital ang mga taong nakatira sa bahay na iyon at kasalukuyang ginagamot dahil sa walang matinong amo o tagapag-alaga ng hayop ang iiwanan na lamang ang kaniyang alaga sa ganoong kahirap na sitwasyon.




Mayroon namang ibang usap-usapan na marahil ay nagbakasyon ang mag-anak ngunit naipit sila pauwi at pabalik sa kanilang tahanan dahil sa pandemya na kinakaharap natin sa ngayon. Anuman ang kanilang dahilan ay mabuti na lamang at mayroon silang mabait na kapitbahay na nagmamalasakit sa kanilang alagang hayop.


Abril 11 nang ibahagi ni Muhammad Faris, isang Malaysian teacher ang tungkol sa asong si Sony na isnag rottweiler sa kaniyang social media account. Naninirahan ang guro na ito sa Rawang, Selangor sa Malaysia.


Isang araw ay nasorpresa na lamang siya dahil sa nakakita siya ng isang madungis at mapayat na aso sa kanilang kapitbahay at ito nga ang asong si Sony. Ayon sa mga magulang ng guro ay ilang araw na rin nilang pinapakain ang kawawang aso ngunit limitado at kaunti lamang dahil sa kailangan din nilang tipirin ang kanilang pagkain.


Agad naman itong binilhan ni Faris ng dried dog food upang maipakain sa aso. Ngunit isang araw ay dumating na ang mga otoridad mula sa Department of Veterinary Services at matiwasay na nakuha si Sony na walang kareklareklamong sumama sa kanila.



Dahil mayroon pang natitira sa biniling dog food ni Faris para kay Sony ay ipinamahagi na lamang niya ito sa mga ligaw na aso sa kanilang mga kalapit na bahay.




error: Content is protected !!